Love~2

16K 340 46
                                    

"Excuse me po Maam" sabi ng isang estudyanteng lalaki matapos kumatok sa pinto ng class room namin. Natigil kaming lahat sa pakikinig at napatingin dito maging ang teacher namin.

"Yes ijo? Anong kailangan mo?" ani ng teacher namin.

"Dito po si Jamaine Avelina?" ani nung lalaki.

"Yes he belong in this class. Why?"

"May nagpapa bigay po kase." sabay labas ng isang pulang rosas at card. Nagtilian ang mga kaklase namin. Nakaramdam ako ng matinding hiya.

"Avelino,kunin mo na yan so that we can resume in our lesson." ani Maam. Nahihiya akong pumunta sa pinto at lumapit sa lalaki. Iniabot nito ang rosas at card.

"Salamat." ani ko. Ngumiti ito at umalis na. Sigawan pa din ang mga kaklase ko. Nakita ko pa si Flexi at kim na ang lawak ng ngiti. Mga baliw!

Nakayukong bumalik ako sa upuan at tahimik na naupo.

"Quiet class!" sigaw ni Maam at natahimik lahat. Ng tumalikod si Maam para magsulat sa board ay binasa ko ang nakasulat sa card.

Main,

From the moment that I met you,I just knew you'll be mine. Kita kits sa cafeteria! - KYD

Naramdaman kong namula na ako. Napa face palm na lang ako sa hiya at kilig. Hindi ko talaga inakala na ang taong nagustuhan ko sa unang pagkikita ay gusto ko. Hindi kaya ako nakatulog ng dalawang gabi kakahintay kung magtetext sya.

"Teh." pagharap ko,ang naka ngising sina Flexi at Kim ang nabungaran ko.

Nagulat pa ako ng parang may imaginary na kinuha si Flexi sa ulo ni Kim at kunwari ay ipinatong sa ulo ko. Kaya ganun na lang ang pagtataka ko.

"Dahil sa nag uumapaw mong kagandahan at likas na kahabaan ng buhok. Ako na Reyna ng mga alitaptap ay ibinibigay na sa iyo ang aking korona." ang sabi ni Kim.

"Magsiluhod at purihin ang bagong reyna!" sigaw ni Flexi. Ng walang sumunod ay sumigaw ulit sya "Hoy! Magbigay pugay kayo!"

At biglang nagtawanan ang mga kaklase naming naiwan dito sa room.

"Mga baliw! Tara na sa cafeteria." natatawa kong sabi at tumayo na't naunang lumabas ng room.

"Im sure may kakatagpuin yan sa cafeteria. What do you think Su one?" ani Kim ng humabol sila sa akin.

"Anong Su one? Diba dapat B1?" takang tanong ni Flexi.

"Su one. As in suso one. Teh ibahagi mo yan kay Reynang Maine." humahagikgik na sabi ni Kim kaya natawa ako.

"Huwag na no?! Baka mabigatan sya." sagot ni Flexi at tumawa na ako.

"Hala sya oh? Ang ligaya nya." ani Kim. Binelatan ko lang sila at nagpatuloy sa paglalakad.

Ng makarating sa cafeteria ay natanaw agad namin sina Roo,Toy at Chael sa dati naming mesa,may mga pagkain na pera hindi pa nagagalaw kaya sumenyas muna kami na pipila.

Nakakuha na sina Kim at Flexi at agad tinungo ang aming table. Ako naman ay pumipili pa din.

"Anong sayo?"

Agad akong napalingon ng marinig ko yung pamilyar na boses. Si Kyd! Nasa tabi ko at naka ngiti sa akin. Kumalabog na naman ang dibdib ko. Nakaka nerbyos. Sobrang lapit nya sa akin.

"H-ha? Ah.. Eh.. H-huwag n-na."

"Ate,ito nga pong adobo dalawang order,tas itong fried chicken tatlo. Tas kanin lima. Dalawa ding royal." ang baling ni Kyd dun sa tindera. Napanganga ako. Ngayon lang sya lumapit ng ganito. Sobrang gwapo talaga. At saka para syang sina Roo,Toy at Chael,kahit high school pa lang,halata ng well built ang katawan.

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon