Grand Finale!

13.4K 327 73
                                    

NOTE : Gusto kong magpasalamat sa mga hindi bumitiw sa kwentong ito. Sana po magustuhan nyo ito. Maraming salamat :)

-----

"Pwedeng umidlip muna Roo?" ani ko ng mapansing medyo tumatagal na ang byahe,hindi ko na din kasi malabanan pa ang antok.

"Sige." aniya at kumindat. Ngumiti na lang ako at sumandal saka ako pumikit. Kampante ako na sya ang kasama ko,alam kong ligtas ako.

Nang pumikit ako ay pumasok sa isip ko yung mga bata pa kami. Hindi ko maiwasang magbalik tanaw,ang sarap kasi balikan.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog. Pero nagising ako sa pakiramdam na may humahalik sa akin kaya agad akong nagmulat ng mga mata.

"Akala ko hindi ka magigising sleeping beauty." nakangiti nyang sabi nung humiwalay. Tumingin ako sa paligid,nandito pa din kami sa kotse,pero sa lugar na hindi ko alam,puro puno ang nasa paligid.

"Ikaw talaga,nasaan tayo?" ang tanong ko at umayos ng pagkaka upo.

"Sa lugar na matagal kong plinanong puntahan kasama ka,tara na." aniya at lumabas ng kotse at umikot para pagbuksan ako.

"Anong pakulo ito Roo?"

"Basta! Tara." at pinag intertwined nya ang mga kamay namin. Pumasok kami sa kakahuyan,nagtayuan ang mga balahibo ko sa huni ng mga kuliglig at palaka.

"San ba tayo? Ipapasalvage mo ba ako?" ang biro kong tanong.

"I will never do that Maine." aniya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Hanggang sa makarinig ako ng lagaslas ng tubig.

Nasaan kami?

"Nandito na tayo Maine." aniya at umakbay sa akin. Kahit madilim,dahil sa tulong ng liwanag ng buwan at mga bituin ay kitang kita ko ang masaganang talon na walang sawa sa pagbagsak sa ilog.

"Wow! Ang ganda! Parang kumikinang na dyamante ang tubig!" ang masaya kong sabi at tiningnan ang paligid. Sa bandang kaliwa ay may kubo na medyo malaki. "Sinong may ari nito?" dagdag ko namang tanong.

"Ako." aniya,inalis ang pagkaka akbay at humarap sa akin. Sa liwanag ng buwan ay kitang kita ko ang mga mata nyang punung puno ng desire at pagmamahal,para akong nalulunod,para akong hinihigop.

"Paano nangyari?" ang tanong ko. Ang lakas at bilis na ng kalabog ng puso ko,para na akong nakikipaghabulan. Titig pa lang nya ay nayayanig na ang sistema ko.

"Binili ko ito 4years ago,dito ko kasing dito maganap ang pagpo-propose sa taong pinakamamahal ko." aniya at biglang lumuhod. Napanganga ako,ramdam ko ng nagtutubig ang aking mga mata.

"R-roo." ang tangi kong nasabi.

"Jermaine Avelino,Ako si Rupert Santiago, will you be my other half?" aniya at may kinuha sa bulsa nya,isang maliit na kahon,inilabas nya ang singsing,kinuha ang kanan kong kamay at isinuot ito sa aking daliri.

Nag unahan ng umagos ang aking mga luha. Napatingala ako,hindi ko inaakala na dadating ako sa ganitong punto ng buhay ko.

Very romantic ang lugar,perfect night,perfect place.

Pumikit ako,kusang pumasok sa aking isipan ang unang pagkakataon na nagkakilala kami.

"Hi! Bago ka dito? Ngayon lang kita nakita eh." ani ng isang boses.

Huh? San galing yon? Lumingon ako sa paligid,wala naman tao.

Hala? Ang aga aga minumulto ako? Eehhh!

"Ano bang nililingon mo dyan? Nandito ako sa taas."

taas? Saang taas? Eh puro ulap ang nakikita ko?

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon