Love~5

13.7K 296 43
                                    

Araw ng pagpunta namin sa beach,sobrang excited ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakapag ganito kasama ng tropa. Mabuti at pumayag si Papa,si Roo kasi ang nangulit sa kanya,eh tiwala naman si Papa kay Roo kaya pumayag na ito.

Gusto din sana ni Kyd na sya ang magpaalam kay Papa,kaso tumanggi ako. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Papa ang tungkol sa amin ni Kyd,parang hindi pa ako handa. Nagtampo pa nga si Kyd kahapon,kaya kinulit ko sya kung paano mawawala ang tampo nya,sabi nya,kantahan ko daw sya,kaya yon ang ginawa ko kahit hindi pa talaga ako sanay.

Tulad nga ng sabi ni Kyd,van nila ang ginamit namin at pinag drive kami ng driver nila. Napapangiti na lang ako na nag uusap ulit sila nina Roo,Toy at Chael. Masaya talaga ako na nagka ayos sila.

"I cant wait na makapag two piece!" bulalas ni Flexi sa likuran.

"Kurak teh! Im sure madaming boys dun! Excited na ako,ihahanda ko na mga mata ko." masayang pag sang ayon ni Kim.

"Tss! Subukan mo." ang dinig kong bulong ni Chael,magkakatabi kami kasi,sa tabi ako ng bintana,tapos si Kyd,si Roo at Chael. Sa likod sina Kim,Flexi at Toy. Tiningnan ko si Kyd at si Roo,bakit parang hindi nila narinig? Eh silang dalawa ang pinaka katabi ni Chael.

Lumingon ako sa likod,nagdadaldalan na ang tatlo. Sino kaya kina Kim at Flexi sinasabihan ni Chael?

Nawala yon sa isipan ko ng umakbay sa akin si Kyd,inihilig nya ang ulo ko sa balikat nya. Si Roo naman ay nag salpak ng earphones sa mga tenga at nag shades. Hmmm,mukhang mahabang byahe to. Kailangan ko munang umidlip din siguro para may lakas akong maglalangoy mamaya. Nakaka excite talaga!

"Kuya Asiong,stop over muna tayo. Naiihi na daw si Kim!" pagkatapos ng isa't kalahating oras ng byahe ay sabi ni Kyd. Sakto may gasoline station at convinience store.

"Sa wakas! Teh,pahawak muna!" ani Kim at iniabot sakin ang phone nya,at nagmamadaling lumabas sa Van.

Palihim kong tiningnan ang phone nya na hindi napapansin ng mga katabi ko. Naka facebook chat pala sya at mukhang hindi na na-exit.

Chael Mendoza : Wow! Gusto mo yon? Madaming lalaki? Edi dun ka!!

iKimmm Montelebano : Anong masama dun? Bakit ka nagagalit?

Chael Mendoza : Ayokong titingin ka sa iba! Ako lang dapat ang tinitingnan mo!

iKimmm Montelebano : Wow! Anong karapatan mo? Friends lang tayo! Kabwisit ka!

Chael Mendoza : :(

OMGEE?! May nagaganap sa dalawang ito? Bakit hindi ko napapansin? Bakit hindi namin napapansin?

Tiningnan ko si Chael,nakayuko at nakatitig sa phone. May gusto sya kay Kim? Tapos tumingin ako sa likuran,patuloy ang kwentuhan nina Toy at Flexi. Si Kyd at Roo naman nagkekwentuhan lang din.

"Im here!" ani Kim. "Akin na phone ko teh." iniabot ko ito sa kanya na kunwari ay wala akong nabasa.

"Hala?! Hindi ko pala na exit ang fb chat ko? Ihhh! Kaasar! Hoy teh! Wanamaji ah? Puputulin ko dila mo." pagkuway sabi ni Kim. Nanlaki mga mata ko. Ano daw yon?

Si Chael naman ay tumingin sa akin. Nako! Bahala kayo dyan. Pumikit na lang ako at sinubsob ko ang ulo ko sa dibdib ni Kyd.

"Ganyan nga bie,matulog ka muna ulit. Mahaba pa naman ang byahe." ani Kyd at niyakap pa ako. "Nasan na nga ba usapan natin tol?" baling nito kay Roo.

"H-ha? Nakalimutan ko din eh. San nga ba?"

-----

"Wow! Ang gandaaaa!!" agad kong bulalas ng makarating kami sa beach resort.

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon