Pre Finale!

10K 211 15
                                    

Dumating ang araw ng Party kina Kiernan. Ito ang pangalawang beses na haharap ako sa madaming tao na ganito na ang hitsura ko.

Unti unti ko ng natatanggap ang bagong ako. At kailangan ko ng masanay na humarap sa mga tao.

"Nauna na dun ang tropa,Maine." ani Roo habang nagbibihis. Ako naman ay nananalamin habang naglalagay ng hikaw. I don't do make up. Itinaas ko nga lang ang aking buhok. At ang suot ko ay yung isa sa mga bagong dress na binili ni Roo para sa akin,hanggang hita lang sya,black and white na polka dots at sandals. Isa pa ito,kahit ayoko mag cross dress ay wala na akong magagawa,babae na ako eh,alangang magsuot ako ng mga dati kong sinusuot.

"Para san ba ang party na iyon?" ang tanong ko at humarap na sa kanya. Inayos ko ang kwelyo nya.

"Para daw sa tagumpay ng family company nila. Alam mo naman ang mga mayayaman." ani Roo at mabilisan akong hinalikan sa labi. Bagay na lagi kong ikinabibigla,para akong laging mahihimatay sa mga ginagawa nya,lalo na sa.. Oh well yon na yon.

"So tara na? Diba sabi mo may pupuntahan pa tayo after ng party kina Kiernan." ani ko

"Yeah. At huwag masyadong excited." at magkahawak kamay na kaming lumabas sa kwarto.

Halos panay kwentuhan lang kami ni Roo ng mga masasaya naming ginawa dati. Pero ako,may iba akong gustong pag usapan,I want to talk about our future pero hindi naman sya nagbabanggit kaya hindi ko na lang din sinasabi. Tutal naman ay nagsisimula pa lamang kaming dalawa,sa ngayon ay yun muna ang importante.

Pagdating namin sa venue ay madami ng tao. Medyo kinabahan ako,the last time na humarap ako sa madaming tao ay nung Alumni Homecoming at nauwi sa disgrasya ang gabing iyon. Sana ngayon ay walang mangyaring masama.

"Im glad you came. Nasa table malapit sa fountain ang table nyo." ang salubong sa amin ni Kiernan.

"Lahat ata ng mga bussiness tycoons and Real Estate owners ay nandito." ani Roo matapos makipagkamay kay Kiernan.

"Yup. Dad wants this. Its his 30th years in this bussiness." nakangiting sabi ni Kiernan. "Tara samahan ko kayo sa table nyo." nauna syang naglakad at sumunod kami ni Roo. Sobrang kumakalabog pa din ang dibdib ko at hindi ko maintindihan kung bakit.

Habang naglalakad kami ay naisip ko na sobrang dami ng nagbago talaga. Dati pag aaral at pagkakilig lang ang alam namin. Ngayon,mga may magaganda ng trabaho ang bawat isa. May maipagmamalaki na,maliban sa akin. Oo nga at nagbago ako,pero ang pisikal ko namang anyo.

"Nandito na hinihintay nyo." ani Kiernan.

"Roo! Maine!" ang tawag sa amin ng tropa kaya umupo na muna kami.

"Dyan na muna kayo. Mag speech na si Dad. And after that,kainan at inuman na. Enjoy the night." ani Kiernan at umalis na.

I wonder,may kasintahan kaya si Kiernan? Gwapo sya,matalino at mayaman,hindi mo nga iisipin na lalaki sya ng ganito.

May matandang lalaki na naglakad at tumungo dun sa platform sa harapan. Sya siguro ang Dad ni Kiernan. Nagsimula na itong magsalita at lahat ay tahimik na nakikinig.

Hindi ko alam,pero yung pakiramdam na may nakatingin sayo ay damang dama ko kaya inilibot ko sa paligid ang aking paningin.

At nagtama ang aming mga paningin. Si Kyd,nasa kabilang side,kasama nya si Mister M sa table. Hinuli nya ang aking paningin,at kahit malayo ang pagitan namin ay nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata,bumigat ang damdamin ko.

Agad akong nag iwas ng tingin at ibinalik ang atensyon sa Dad ni Kiernan na nagsasakita pa din.

Naramdaman ko ang pag akbay sa akin ni Roo pero hindi ako kumibo. Iniisip ko si Kyd,I need to talk to him. Ngayon na siguro ang tamang panahon para tuluyan na naming tuldukan kung ano man ang meron sa amin.

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Where stories live. Discover now