-26-

20.9K 576 180
                                    

Congratulations to Miss Mary of SMHS!

She graduated this day and received her diploma for finishing her secondary education.

I just met her through Instagram, and who would have thought na malapit lang pala kami sa isa’t-isa.

Congrats again, and pahabol ko nalang yung FS ko sa’yo bukas. Enjoy your summer!

ROBSON’S POINT OF VIEW

Mahigit isang oras ko ng binabasa itong papel na hawak ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin ito nahahanapan ng solusyon. Dahil kung solusyon lang din naman ang pinag-uusapan, kulang na kulang lang ang isang oras.

Maraming nakataya dito. At higit sa lahat, ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko ang ma-aapektuhan kung sakaling mali ang pinili kung desisyon.  Ayoko mang gawin pero kailangan. Kailangan dahil ito lang ang makakatulong para makausad na siya sa nakaraan niya. Ito ang parte ng buhay niya na pilit niyang kinakalimutan pero hanggang ngayon ay inuusig-usig pa din siya. Pilit sinusundan at pilit hinahatak palabik.

Nahahapong inilapag ko ang papel sa mesa at pumikit. Hindi ako lalagpas sa linya, alam ko pa rin kung hanggang saan lang ako. Ako lang iyong gagawa ng unang hakbang pero si Penelope pa rin ang  bahala kung pano niya tatapusin itong nasimulan ko.

“Saan sa London nakatira si Mr. Nahial?” Hinarap ko ang tauhang kinuha ko dati para alamin ang mga paunang impormasyon kung saan naroroon ang ama ni Penelope. Ngayon lang ulit ito nakabalik sa bansa.  Dumiretso na agad ito sa akin pagkagaling palang sa airport.

“He’s living on the South West part of London Sir, specifically on Merton.” Alam kung mapagkaka-tiwalaan ang taong ito dahil subok na din ito ni Dad, siya pa mismo ang nag-rekomenda nito sa akin.

“Sa huling report mo sa akin, hindi ka sigurado kung magkasama pa din sila noong kerida niya dito sa Pilipinas bago sila umalis papuntang London. Ngayon, may maibibigay ka na ba sa aking impormasyon tungkol dun?”

Nag-atubili ito sa pagsagot. Nawala saglit ang atensyon nito sa akin at napunta sa mga papel na ibinigay niya kanina sa akin. “Okay, go ahead.”  Tumango ito bago kinuha isa-isa ang mga papel na basta ko nalang inilapag kanina.

“Her name is Sarah Chen and yes, they’re still together Sir.” Bilib din naman ako kay Mr. Nahial, talagang tumanggal sila. Ganoon ba ito kayaman para manatili sa piling neto at huwag ng balikan ang iniwang pamilya?

“Actually, they got married…” Nabalik ang atensyon ko kay Rendo dahil sa narinig. “in London after staying for 3 months.”

 Mas lalong gumulo lang iyong sitwasyon dahil sa mga narinig ko. “May anak ba sila?” Kahit ako, ayokong malaman ang sagot sa mismong tanong ko dahil ikakawasak to ni Penelope at Amelia kapag nagkataon.

“Yes, they have a daughter.” Napahilot ako sa sariling sentido. Nag-uumpisa ng sumakit ang ulo ko. Bakit ba ako napunta sa sitwasyong to? Dapat nagpapakasarap lang ako ngayon sa tabi ni Penelope at hindi iniinda itong mga problemang to.

“Katelyn Chen. 17 years old. Sole heiress of Green Sleeves Clothing Line.”

Manayani ang matinding katahimikan sa pagitan namin ni Rendo. Nawala sa isip ko ang dapat ko pa sanang itanong. Hindi ko pa man nasasabi kang Penelope ang bagay na’to, nasasaktan na ako para sa kanya. Kung pwede ko lang kasi siyang protektahan, gagawin ko. Talagang gagawin ko. Pero, labas na ako dito, usapang pamilya na ito.

“And..ahmm about to what I said earlier Sir.” Naalala ko na naman ang report na binasa ko kanina na inabot ng isang oras.

Napahilamos ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In His Hands (Reading it again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon