-4-

16.3K 207 16
                                    

Sa pinakamahabang nag-comment sa previous chapter. Enjoy reading this. Keep safe. @DukeWizart.

 I-dedicate ko nalang kapag okay na si Wattpad, ayaw kasing lumabas iyong profile mo sa taas. 

[***************************************************************************]

PENELOPE’S POINT OF VIEW

“Sino ba iyon Ate?” Bungad agad sa akin ni Amelia pagpasok ko sa inuupahan namin. Sumimangot ako at padabog na ibinigay sa kanya iyong supot na bigay nong Halimaw na’yun. “Ang dami naman ata nito Ate?” Mas napasimangot ako. 

“Nanliligaw sa’yo?” Marahas na binalingan ko si Amelia. Literal na napa-atras ito sa sobrang sama ng tingin ko. Nagpapatawa pa ata tong kapatid ko. “Pwede ba Amelia, hindi ako nagpapaligaw ng MAHIHIRAP!” Inirapan ko ito.

“Hindi naman ata mahirap yun eh, siguro nasa Average lang.” Nahahapong umupo ako. “Tsaka Ate ang gwapoo niya grabe!” Halos umikot iyong dalawang mata ko dahil sa sinabi nito. “Lalaking-lalaki pa iyong dating. Brusko.”

 

“Hindi naman MAYAMAN.” Bulong ko. Nangunot lang ang noo nito, tanda na hindi niya narinig iyong huling turan ko. Buti nalang din. Katulad lang din kasi itong si Amelia kay Daisy, ayaw na ayaw nila sa panananaw ko sa buhay tungkol sa pagiging mailap sa mga manliligaw kong MAHIHIRAP.

Masisi  niyo ba ako? May gusto akong patunayan sa lintek kong Ama, at ang pagkakaroon ng kasintahan na MAHIRAP din katulad ko ay hindi ko pinangarap sa tanang buhay ko. Gusto kong umangat sa lebel ng pamumuhay ko. Ayokong manatiling MAHIRAP, aanhin naman din kasi iyang pisikal na katangian eh lumilipas lang din naman yan, nawawala.

At si Halimaw ay isang MAHIRAP, kaya kahit na nagwa-gwapuhan ako sa kanya hindi pwede.

Mali. Hindi tama.

“Sana pinapasok mo siya Ate, para man lang nakilala ko.” Naririnig ko si Amelia pero hindi ko ito sinagot. Tutok na tutok lang ako sa pagkain. “Ano pala pangalan niya?”

“Nakalimutan ko.” Labas sa ilong na sagot ko. Nakalimutan ko naman talaga. Nasanay na kasi akong tawagin siyang Halimaw. Mas bagay kasi yun sa kanya. “Dapat ang pangalan niya tinatandaan Ate.” Napaingos ako.

“Pwedeng huwag na natin siyang pag-usapan Amelia, naririndi na ako ha.” Nagsisimula na akong mainis. Binilisan ko nalang ang pagkain para maka-iwas na sa mga tanong pa ni Amelia. Nauna na din akong maghugas ng pinggang pinagkainan ko.

Ganito kami sa bahay, kanya-kanya kami sa gawaing bahay. Kung kayang gawin huwag nang iasa sa isa kasi pareho naman din kaming pagod. Siya dahil galing sa skwela habang ako naman pagod dahil sa pananahi.

“Ate malapit na din pala iyong Midterms namin.” Napabuntong-hininga ako habang pinupunasan iyong kamay ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ito sa balikat. Heto na naman ata ang panahon na kailangan talaga na mas magkayod-kalabaw ako. Ngumiti ako sa kanya para gumaan ang loob nito, palagi kasi siyang nag-aalala sa akin kapag tuwing bayaran na.

In His Hands (Reading it again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon