-13-

16K 241 21
                                    

Warning!!!

SPG

 

 

[*************************************************************************************]

PENELOPE’S POINT OF VIEW

 

 

“Ma’am, sigurado po ba talaga kayong isasangla niyo tong singsing niyo?” Napataas ang kilay ko. Mukha ba akong nagbibiro dito? Tumikhim ako at bumaling sa may-ari nitong pawnshop.

“May problema ba? Dahil kung ayaw niyo naman ay sa iba ko nalang isasangla to.” Hinablot ko kaagad ang wedding ko at aktong isusuot ulit ng pigilan ako noong may-ari. Mas lalong tumaas ang kilay ko. Huwag niyo akong ginaganito, masama ang timpla ko at nagmamadali pa.

“Bigay lang ba to sa’yo?” Anong pakialam niyo? Ang dami-dami niyo namang tanong. Magsasanla lang ako, bwesit! Hindi ako sumagot at sinimangutan lang iyong may-ari. Hindi ako maka-alis kasi hawak-hawak niya pa din iyong kamay ko.

“Pra-prangkahin kita Miss. Kung sa iba mo yan isinangla paniguradong madadaya ka. Pwede lang naman kasi nilang sabihing ito yung halaga. Mukhang hindi mo pa naman alam ang tunay na halaga niyang singsing na yan.” Unti-unting nawala ang inis ko at napalitan iyon ng pagkalito.

“Kalahating milyon ang halaga ng singsing mo.” Nalaglag ang panga ko sabay sa panlalaki ng mga mata ko. Tama ba iyong dinig ko? Kalahating milyon? Ang mahal! “Ngayon, isasanla mo pa din ba?” Bakit ganito kamahal itong singsing na’to? Alam kung may halaga talaga ito kaya ko nga isasanla di ba? Pero hindi ko inasahan na ganito kalaki.

Nailing ako. Ano na? Isasanla ko pa ba to? Pero wala akong ni isang kusing man lang. Hindi ako makakalayo kapag umatras ako. Sinulyapan ko ulit ang singsing. Bahala na nga. Mangyari ang mangyari.

Napalunok ako noong ibinigay ko na iyong singsing sa may-ari. “Pwedeng iyong pormal na kasulatan iyong gawin natin.” Hindi ko alam, nanghihinayang ako para doon sa singsing. Ngumiti iyong may-ari at sinabihan iyong tauhan niya na buksan iyong pinto para makapasok ako.

Talagang nagkapirmahan kami ng maayos, nagpakuha pa siya ng mga litrato sa tauhan nito para daw ebidensya kung saka-sakali. Cash iyong ibinigay niya sa akin. Mabilis kung inilagay iyon sa bag at walang lingon na lumabas sa pawnshop na yun.

Singsing lang yun Penelope, huwag kang manghinayang. Singsing lang, isang bagay.

 

Agad akong dumiretso ng airport, kung pwede lang talagang tumuloy nalang agad ako sa Paris. Kaso alam ko naman na hindi magiging ganun kadali ang lahat. May Visa pa tapos ang dami pang clearance na kailangan mong ipakita.

Naihilamos ko ang mga palad. Saan na ako ngayon? Hindi ako pwedeng pumunta sa inuupahan namin dahil tiyak akong doon agad pupunta si Robson, kapag nagising ito. Tinawagan ko na kanina si Amelia at sinabing umalis na muna siya dun.

In His Hands (Reading it again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon