-21-

15K 271 30
                                    

 [***********************************************************]

PENELOPE’S POINT OF VIEW

 

 

Nababagot na tiningnan ko si Daisy. Matapos niyang pumasok sa pabrika ay napag-desisyunan niyang pumunta muna dito sa bahay namin bago umuwi. Sabi niya sa text kanina may sasabihin daw siya sa aking importante.

Pero halos maubos na niyang iyong kalahati ng laman ng Pyrex ng gawa kung mango float, hindi niya pa din sinasabi sa akin iyong pakay niya. Nakapangalumbaba lang ako dito sa dapat niya at bored na bored na tinitingnan ang mukha niya.

Napataas ang kilay ko noong kumuha pa ulit siya ng slice. Hindi pa ba sumasakit ang lalamunan niya sa sobrang tamis ng kinakain niya? “Huwag mo akong tingnan ng ganyan Penelope, alam mong paborito ko tong mango float mo.”

 

Inismiran ko siya. “Ang sabihin mo naging paborito mo na din dahil palagi akong gumagawa niyan para kay Amelia, nakikisingit ka lang.”  Umingos ito.

Hindi ko alam kung anong nagustuhan ni Hugo sa babaeng to. Ang gulo-gulo, maingay, madaling mag-init ang ulo at higit sa lahat ang hirap niyang amuhin. Naging saksi din ako sa pagpapahirap ng bruhang to doon kay Hugo.

Dumating pa talaga sa punto na kinausap ko si Hugo na sumuko nalang dahil bilang matalik na kaibigan ni Daisy alam ko kung ano ang pagkatao nito. Minsan din kasi nagiging makasarili siya na hindi na naiisip iyong nararamdaman ng ibang tao.

Prangka din siya. Kung anong nasa isip niya iyon talaga ang sasabihin niya. Walang pakeme-keme, straight to the point. “Stressed lang ako ngayon kaya kailangan ko talaga to.” Napataas ulit ang kilay ko. Pinapahirapan ba siya sa pabrika ni Chance?

“Pini-personal ka ba ni Chance?” Napatigil siya sa pagsubo. Unti-unti niya itong ibinaba at nagbuntong-hininga ng sobrang lalim.

“Hindi, ano ka ba. Ang totoo niyan…kasi ano Penelope..” Bakas sa mukha niya iyong pag-aalinlangan na sabihin ang kung ano mang bumabagabag sa kanya.

“Ngayon ka lang ata nagkaproblema na diretsuhin ako sa kung ano iyong saabihin mo. Asan na yang tabil ng dila mo?” Pagbibiro ko dito para sana gumaan ang paligid namin pero mas lalo lang kumunot ang noo niya.

“Iba naman kasi to Penelope. Na-go-guilty ako.” Pag-amin niya sa akin.

 

“Na-gi-guilty saan? Huwag mong sabihin na may plano kang hiwalayan si Hugo? Makakatikim ka talaga sa akin. Ang laki na ng puhunan sa’yo nung tao.” Nakatingin ito sa akin na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko lang.

“Penelope, nagi-guilty na ako ngayon sa ginawa kong pagpayag na dukutin ka ni Robson!” Bulaslas niya. Napahilamos ito sa mukha at inis na ginugulo ang buhok niya.

“Alam ko namang para din sa ikabubuti mo din iyong ginawa ni Robson. Tingnan mo ngayon masaya ka. Yan ang hindi nagawa ni Chance noon sa’yo.” Saan ba talaga patungo tong usapan namin ngayon?

In His Hands (Reading it again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon