-2-

18.7K 254 43
                                    

Sa unang nag-comment sa In His Hands, para sa'yo ang Chapter na ito. Keep safe.

[*********************************************************************************]

ROBSON’S POINT OF VIEW

 

 

“Hijo, maraming salamat ulit sa pagtulong sa akin ah.” Ngumiti ako kay Mang-Marcus, parang Ama ko na din kasi siya. Tuwing Linggo, naglala-an ako nang panahon para tulungan siya. Simula pagkabata siya iyong nag-alaga sa akin. Nanghinayang nga kaming lahat noong napagpasyahan nitong mag-retiro na sa amin.

Halos hindi siya pinakawalan ni Mama. “Nga pala matanong kita, anong ginawa mo doon sa magandang dilag kanina?” Umirap ako. Nakakawalang-gana talaga iyong malditang yun. Hindi bumagay iyong mala-anghel niyang mukha. Sayang, sana sa iba nalang iyon ibinigay.

“Pinagsabihan ko lang po.” Nababanas na sagot ko. Kumukulo dugo ko pag nakikita ko siya. “Nako Hijo, pansin ko lang, bakit parang ang init ng dugo mo dun?” Hindi parang, talagang mainit dugo ko sa kanya! Nakita ko namang biglang napangiti si Mang-Marcus na parang may napagtanto ngayon-ngayon lang.

“Baka naman naiinis ka lang kasi siya palang iyong nangahas na sigawan at duru-duruin ka?” Umismid ako. Kinuha ko na iyong dala kong bag at isinakbit sa kanang balikat ko. “Tama ako Hijo no?” Napailing nalang ako. “Ang dami niyo pong alam Mang-Marcus.” Tinapik ko ang balikat nito. “Sige po mauna na ako, sa susunod na Sabado nalang po ulit.”

 

Habang nagmamaneho ako pauwi naisip ko iyong sinabi ni Mang-Marcus. Siya nga palang talaga ang babaeng hindi natatablan nang pagsusuplado ko. In short, hindi siya natatakot sa akin, bagkus, pinapantayan niya din ako.

Napabuntong-hininga ako noong naalala iyong nangyari kanina. Masakit kaya iyong pagkakatulak ko sa kanya sa pader? Damn, hindi dapat ako na-gu-guilty! Dapat lang yun sa kanya. Ang sakit kaya nang pagkakasipa niya sa akin.

Ang lakas niya para sa isang babae at kanina noong dinala ko siya sa eskenitang iyon, hindi ako nakakita nang takot sa mga mata niya. Hindi man lang niya naisip na lalaki ako, at babae lang siya. Bilib din naman ako sa kanya, hindi siya katulad ng iba na pa-damsel in distress.

Makakaya niyang ipagtanggol ang sarili niya nang siya lang. Hindi niya kailangang umasa sa iba, lalong-lalo sa isang lalaki.

Kumunot ang noo ko. May boyfriend na ba yun? At kung meron man, nakakaya ba nito ang kamalditahan ng babaeng yun?

Mukhang hindi ata.

Sayang lang talaga iyong mukha niya. Aanhin mo nga naman ang kagandahan kung masahol iyong ugali mo? Turn-off.

---

In His Hands (Reading it again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon