-14-

16.1K 249 43
                                    

Thank you for the greetings. Hope you’ll like this chapter. Ito na yung request mo. Keep safe.

[************************************************************]

PENELOPE’S POINT OF VIEW

Isuot mo yan.” Nanigas ako sa kinauupuan noong makita ang singsing na kakasangla ko palang. Paano niya nalaman? Napayuko ako dahil hindi ko kayang makita kung ano ang nasa mga mata nito. Hindi ko din kinuha iyong wedding ring na inilagay niya sa harapan ko.

At talagang may gana ka pang magmatigas. Ikaw na nga tong ang laki ng perwisyong idinulot. KUNIN MO YAN!” Napa-upo ako ng maayos sa pagtaas ng boses nito sa huli. Nag-aalangan ko ding kinuha iyong singsing. Nagtagis ang mga bagang ko.

Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko magawang harapin iyong init ng galit niya. Nagtaas ako ng tingin noong hindi na ito nagsalita. Kitang-kita ko ang pagkakunot ng noo nito, tagpong mga kilay at nagbabagang mga mata.

Magkano ka ba ha ng mabili kita para ako na ang may solong karapatan sa pagkatao mo!” Nalaglag ang panga ko. Hindi ko akalaing masasabi to ni Robson sa akin. Oo, Halimaw siya pero mas may ikaka-Halimaw pa pala siya.

Tang!na mo Robson. Sino ka ba sa akala mo para pasakitan ako ng ganito. Nakipagtitigan ako sa kanya, hindi ako kumurap o nag-iwas ng tingin. Nag-aalab iyong tinging ibinibigay ko dito. Nagkasukatan kami at ni isa sa amin ay walang planong magpatalo.

MAHIRAP ka! Itatak mo yan sa utak mo. Magsuot ka man ng mahahaling damit, gumamit ng mamahaling sasakyan at mag-arkila ng mga taong pwede mong gawing bodyguards, mangangamoy ka pa ding MAHIRAP.”

Tinaasan ko siya ng kilay. Sino ka ba para gawing magulo itong buhay ko? Gusto lang kita, hindi pa mahal kaya manigas ka Robson!

Pero imbes na mainsulto ko siya ay parang naaliw pa ito sa akin makaraan ng ilang sandali. Tumayo ito at lumapit sa akin. Agad akong sumiksik sa kinauupuan ko. Dumukwang ito sa akin ng nakahalukipkip. “Ganun ba Penelope?” Sumibol ang takot sa puso ko.

Mas lumapit pa siya sa akin. Halos nagtatagpo na iyong mga ilong namin. “Hindi ako mangangamoy MAHIRAP Penelope dahil nangangamoy ang pagkatao ko ng salapi at ginto.” Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig.

Ikaw lang ang MAHIRAP dito, tandaan mo yan.” A—ano?

Nagsisinungaling lang siya di ba? HINDI SIYA MAYAMAN! Laborer lang siya sa palengke. For all I know, baka totoong miyembro siya ng isang sindikato. Tama, iyon nga Penelope. Pinapa-ikot ka lang ulit niya sa mga palad. Huwag tanga Penelope!

Iniabot niya sa akin ang isang iPad. Nangingig ang mga kamay ko na hinawakan iyon. Nakuha na kasi agad nito ang atensyon ko. Nakabalandra sa screen ang pagmumukha ni Robson habang sa bandang dulo nito ay ang buong impormasyong nakasaad tungkol sa kanya.

In His Hands (Reading it again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon