-10-

17.6K 270 36
                                    

Here's your dedication @Fallen_Guardian. Sorry kung hindi na ako nakapag-reply. Enjoy and keep safe.

Short UD.

[***********************************************************************]

PENELOPE’S POINT OF VIEW

 

 

Papalubog na ang araw ng magising ulit ako. Wala na si Robson sa tabi ko maging sa loob ng kwarto. Nakabukas pa din naman iyong bintana kaya ramdam na ramdam ko iyong pagkakatangay ng mga hibla ng buhok ko.

Wala pa rin akong saplot sa ilalim ng kumot at hindi ko na din makita iyong suot-suot ko kanina. Siguro niligpit ni Rob. Ingat na ingat ang ginawa kong pagbangon. Masakit pa ang ibabang parte ng katawan ko, tanda na nanggaling lang si Robson doon kanina.

Lutang na lutang ang isip ko ngayon. Ang daming tanong na bumabagabag sa akin. Gusto kong isipin ang maaring sagot dito pero mas lalo ko lang papahirapan ang sarili ko. Isa lang naman ang sigurado sa akin ngayon, wala na ang virginity ko.

“Tamang-tama at kagigising mo lang din.” Bahagya akong nagulat sa pagsulpot ni Robson galing sa pintuan. Preskong-presko na itong tingnan sa suot na khaki shorts at plain na puting t-shirt at tinirnuhan lang ng Habagat na tsinelas. Mamasa-masa pa din ang buhok nito, tanda na nauna lang itong magising kaysa sa akin.

“Nasa labas iyong banyo, naka-handa na din dun iyong gagamitin mo at saka iyong susuotin mo.” Pormal na saad nito sa akin habang inaalalayan na akong makatayo ngayon. Kaya ko naman eh. Aapila sana ako pero nakakaduwag naman iyong reaksyon niya sa mukha.

Hanggang sa makarating kami sa loob ng banyo ay naka-agabay pa din siya. Kung hindi ko pa ito pinagtaasan ng kilay hindi pa niya mamumukha na kaya ko na iyong sarili ko. Mabilis lang akong naligo at sa loob na din nga ako nagbihis. Isang simpleng buting bestida ang inihanda niya.

“Mamaya mo na patuyuin niyang buhok mo, kumain na muna tayo.” Inagaw niya sa akin iyong tuwalyang dala-dala ko at isinantabi.

“San ka galing ng mga yan?” Puna ko sa mga pagkaing nasa mesa. Medyo madami din kasi.

“Dala ko na.” Hindi na ulit ako nagsalita hanggang sa matapos kaming kumain. Pansin kong pinaghandaan niya talaga ang balak ng pagdukot sa akin. Handang-handa siya eh.

“Kanino pala tong isla at rest-house?” Natigil ito sa akmang pagkuha ng isang brown envelope. Tumayo siya ng maayos at seryoso akong tiningnan sa mga mata. Agad akong nag-iwas ng tingin. Naaasiwa kasi ako, sa totoo lang. Hindi ko pa alam kong pano ba ako umasta sa kanya ngayon.

“Sa Tito ko.” Tipid nitong sagot.

“MAYAMAN Tito mo?” Wala sa sariling tanong ko. Hindi naman niya ito minasama bagkus ay parang wala lang ito sa kanya.

“Parang ganun na nga.” Hindi na ulit ako nagkomento pa.

Nagtagpo ang mga kilay ko noong inilahad niya sa akin ang brown envelope na kukunin niya dapat kanina. Binibigay niya sa akin? Para ano? “Buksan mo.” Atubiling binuksan ko ang envelope, pagsilip ko puro naman papel. Nahihiwagaang tumingin ako kay Robson.

“Ano ang mga to?” Nagkibit-balikat lang siya at umupo sa tabi ko. Nakatingin pa din ako sa kanya pero ang atensyon nito ay nasa envelope na.

Isa-isa kong kinuha ang mga papel at sinubukang basahin iyong nasa bandang unahan. Noong una hindi ko pa maintindihan ang mga nakasulat, para kasi siyang report. Pero noong nakita ko na ang mga larawan na kasama din pala sa mga papel, doon na tumigil ang mundo ko.

“A-ano—Papaano mo nakuha ang mga to?” Nanginig ang mga kamay ko habang pinapakita sa kanya ang laman ng envelope.

“Simple lang Penelope, iyan lang naman kasi ang rason kung bakit pilit mong isinisiksik iyong sarili mo dun kay Chance, tama ba ko?” Literal na kinakain ako ng mga tingin ni Robson. Sa simpleng pagkakasabi palang nito sa pangalan ni Chance, nag-iba na agad ang timpla ng mood nito.

“Kompleto lahat yan. Address, contact number at basic information. Ngayon Penelope, ibibigay ko sa’yo ang mga yan sa isang kondisyon.” Napalunok ako. Magsasalita na sana ulit ako kaya lang walang lumabas sa bibig ko.

Para akong isang bangka na umaayon lang kung saan ako dadalhin ng mga alon sa dagat. At ang mga alon sa dagat na tinutukoy ko ay walang iba kundi itong kaharap ko. Sino ba naman kasi ang hindi mapapasunod sa kanya di ba?

Sa klasi palang ng tingin nito. Sa bawat pagkibot ng labi niya tuwing nagsasalita. Sa mga kunot na nabubuo sa noo niya kapag ayaw niya sa naririnig ay labis ng nakakatakot. Iyon pa kayang buong mukha na niya ang nakaharap sa’yo?

Matatawa siguro ka’yo sa akin. Dahil natatakot ako sa gwapong mukhang kaharap ko ngayon. Sino ba naman kasi ang natakot sa gwapo di ba? Pinagnanasaan ito at hinahangaan, hindi kinakatakutan.

Napansin kong may kinapapa ito sa bulsa niya kaya ibinalik ko ulit ang tingin sa hawak-hawak ko. Ito iyong matagal ko ng inaasam. Hawak-kamay ko na. Ito iyong totoong hawak-kamay na pangarap.

“Pakasalan mo ako at ako pa mismo ang magdadala sa’yo sa Ama mo.”

[*****************************************************************************]

In His Hands (Reading it again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon