◑ Part 60 ◐

19.1K 517 191
                                    

Hello! Jiro & Lance is FINALLY BACK!

VOTE FIRST before reading. Bayad sa effort ng author ^_< Salamat!

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

Jiro's POV




"Hi Jirooo!" bati sakin ng isang grupo ng mga babae pagkadaan ko sa kanila. Yan na naman sila, kinukulit na naman ako. Nasaan na ba kasi si Lance? Kanina pa ko dito sa school tapos hanggang ngayon wala pa din siya.


Umupo ako sa isa sa mga bench na walang nakaupo.



Valentines na valentines, ginagago ako ni Lance. Nakakabaliw kaya mag-isa! Kainis!



"Jiro, wala ka yatang kasama.." di na ko nagulat nung may biglang nagsalita sa tabi ko. Kanina pa kasing may kumakausap sakin na kung sinu-sino. Tinignan ko ito at tinitigan ko ng mabuti..



"Jade?" paninigurado ko.



"Grabe ka sakin! Magbabakasyon na't lahat lahat hindi mo pa din ako kilala.." ang nasabi niya.



"Hehe, sorry naman. Ano nga ulit pangalan mo?" Takte, nakakahiya, mga kaklase ko di ko pa din masyadong kilala!


"Haay.." bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Ok, ok. I'm Karen. Ang galing diba? Ngayon mo lang kami kinikilala? Haha!" sarcastic yung pagkakasabi niya.


"Kaya nga po sorry na eh.. Pero kilala ko naman kayo sa mukha. Oh, smile ka na.." paglalambing ko.


"Ehhh magtigil ka nga.." bigla siyang yumuko. "Kinikilig ako.." pabulong niyang sabi. Oops, mali. Baka mag-assume.. Nagsalita ulit siya..


"Huwag kang mag-alala. Hindi ako mag-a-assume.." Woah, mind reader? Inangat na niya yung ulo niya at tumingin sa malayo. "Alam ko namang taken ka na.."


"Huh?" nabigla ako sa sinabi niya. Taken? Ako? Alam na kaya niya?


"Ano na bang nangyayari sa mundong to!" ginulo niya yung buhok niya. Parang frustrated siya..


"M-May problema ka ba?" naitanong ko.


"Oo, kayo."


"K-Kami? S-Sinong kami?" naguguluhan na ko sa mga sinasabi niya. May alam kaya siya?


"Kayu-kayong mga lalaki na lang ba tao sa mundong 'to? Kayu-kayo na lang kasi ang nagmamahalan eh.." nakatitig lang ako sa kanya at hinihintay pa ang mga sasabihin niya. "Diba, kayo ni Lance?"


"P-Paano mo nalaman?" Paano?


"Hindi ko naman sinasadyang makinig sa pinag-uusapan niyo. Pero.. narinig ko kasing nag-I-love-you-han kayo eh.." paliwanag niya. "Pero huwag kang mag-alala. Hindi naman ako against sa inyo. Hindi ko naman ilalaglag kayo.."


"Hindi, wala yun. Plano din naman namin yun. Nag-aabang lang kami ng tamang tsempo.." sabi ko dito.

 

"Yes.. And I think this is the right time.."


Napatayo kami ni Karen at agad na lumingon sa nagsalita sa likod.


Kung Alam Mo Lang (boyxboy) (bromance) (boy's love)Where stories live. Discover now