◑ Part 34 ◐

17.9K 436 62
                                    

[Thats our Jiro ~► ]

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○


Jiro's POV

Dumiretso agad ako sa bahay pagkatapos naming mag-away. Kainis kasi eh. Ewan ko kung bakit ako nagkaka-ganito. Di ko maintindihan ginagawa at inaasal ko. Gusto kong manapak. Gusto kong mambugbog. Gusto kong manadyak. >.<

Parang may masakit, pero wala naman. Parang may kumikirot, pero di ko naman makapa.

Naiinis ako kay Lance. Ewan ko kung bakit. Wala naman siyang ginagawang masama sakin.

"Oh Jiro, akala ko ba kina Lance ka magla-lunch? Wala ba siya sa kanila?" tanong agad sa akin ni Daddy pagkapasok ko ng bahay.

"Ayoko na sa kanya >_<" sagot ko dito at nakita ko ang question mark sa mga mata ng Daddy ko.

Sa mukhang pinakita niyang 'yon, dun ko lang narealize ang mga salitang lumabas sa bibig ko..

"What I mean is.. Ayoko nang pumunta.. Bigla po kasing sumakit ulo ko saka.. tinatamad na po ako.." pagpapalusot ko dito. Tinatamad? P*ta anong palusot yun?!! >_<

"Eh bakit ang tagal mong umuwi?!" tanong na naman niya.

"Ah ehh.. Nag-stay po muna kasi ako sa Coffee Shop. Diba nga po masakit ulo ko. Sige po akyat lang ako sa kwarto, nahihilo pa po ako eh.." sige lang, drama pa.. Wag kang magca-cut direk ha XD

"Ah sige, pero pag kakain na bumaba ka na.." sabi ni Daddy. Tinunguan ko na lang ito.

Sa kwarto, di ko alam gagawin ko. Ano ba tong nararamdaman ko, ang weird!

Hanggang sa mag-loading complete ang kanina pang nagba-buff sa utak ko.. Sa utak nga ba? Baka naman sa puso..

"Selos? Nagseselos ako?? Kanino? Kay Dustin?? Bakit? Dahil lagi pala siyang na kina Lance? Ano ngayon? D-dahil sa nagseselos nga ako??!!" yan yun mga tanong ko sa sarili ko.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!" mismong ako ay nagulat sa pagsigaw ko. Ano ba 'to, para akong baliw dito >.<

"Jiro ano yan? Ok ka lang ba dyan?!" sigaw ni Daddy mula sa baba..

"Ah Opo! May nalaglag po kasing butiki nagulat ako!" sigaw ko naman pabalik =_=

Naalala ko yung kwarto ni Lance, malinis. Samantalang 'tong kwarto ko, ang dumi >.< Makapaglinis nga!

Naglinis akong mag-isa dahil wala pa naman sina Mommy at Nanny Maggy. Tagaktak na ang pawis ko. Buhat dito, buhat doon. Ayos dito, ayos doon. Walis dito, walis doon. Ligpit dito, ligpit doon. Punas dito, punas doon. Kain dito, kain doon. Kain dito, kain doon. Kain dito, kain doon. Tapos sabay inom..

"Ginutom ako dun ah!" nasabi ko na lang sa sarili ko.

Nagpahinga lang ako sandali. Maya-maya din ay naligo na ako..

Kasalukuyan akong nag-a-IG nang may kumatok sa pinto nang kwarto ko, naka-lock kasi ito..

"Jiro.. si Mommy to. Masakit daw ulo mo sabi ng Daddy mo?"

"Ah okay na po ako.." sagot ko dito.

"Sure ka.." tanong niya na sinagot ko naman ng 'opo'.

"Saka nga pala.. Andito si Lance, yung classmate mo."

Di ko na nagawang makasagot. Binuksan ko na ang pinto. Tinitigan ko lang si Mommy..

"Paakyatin ko na lang siya dito kung ayaw mo pang bamaba.."  nasabi na lang nito ng mabasa siguro ang nasa isip ko..

Iniwan ko na lang nakabukas yung pinto. Naupo ako sa kama sabay bukas ng tv sa kwarto ko. Alas-dose na pala.. Eat Bulaga na..

Napatingin ako sa pinto kasi may kumatok..

"Oh anung ginagawa mo?!" galit kong tanong sa kanya..

"Binibisita ka kung okay ka. Pero mukhang hindi ka okay. Sorry." sabi ni Lance.

"Kung wala ka nang sasabihin maaari ka nang umalis.." Di ko alam kung galit ba ko o naggagalit-galitan. >_<

"Ito na naman tayo eh.. Di mo na naman ako pinapansin. Iniiwasan mo na naman ako.." sabi nito.  Sinara niya yung pinto at saka ini-lock ito. Bakit kailangang i-lock? Kwarto niya?! =_=

Sinimulan na niyang humakbang papalapit sa akin..

"Anong ginagawa mo?" tanong ko dito. Pero hindi siya sumasagot.

"Isa! Sasapakin kita!" banta ko dito. Pero wala pa rin siyang imik. Ang bagal ng mga hakbang niya..

"Sisipain ko yang mukha mo!" banta ko ulit sa kanya.

Pero wala talaga. Hindi ko na nga namalayan ang paglapit niya sakin.

Tinitigan ko siya, tinitigan niya ko. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng mga  labi nito sa mga labi ko..

"Huwag ka nang magalit Jiro ko, sige na bati na tayo.."

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

~► VOTE PLEASE ◄

Kung Alam Mo Lang (boyxboy) (bromance) (boy's love)Where stories live. Discover now