◑ Part 43 ◐

17.8K 372 81
                                    

Dedicated to IceCreamWriter_12

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

[ Thats our Lance and Jiro ~► so cuuute ♥  ]

[ Watch that video para mas kiligin kayo ng todo ~► ]

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

Lance POV

Sembreak na...

SEMBREAK NAAAAAAAA!!!

Maaga kaming natulog ni Jiro, I think 7㏘, kasi diba ito yung araw ng pagbabakasyon namin sa AMERICA!! Yes! Masisilayan ko na ulit ang America!

Sina Zach at Eros, tinext namin kagabi bago kami matulog. Sinabihan namin na ihanda na nila ang lahat ng mga dadalhin nila. Sinabi din naming dadaanan na lang namin sila. Sabi ni Eros kina Zach daw siya matutulog para isang bahay na lang ang dadaanan namin. Syempre binigay nila yung address ng bahay ni Zach.

At ito ako ngayon, nag-aayos na. Van ko, oo may van din ako, ang gagamitin namin papuntang airport at si Manong driver na bahala magbalik dito sa bahay. Sana maging napakasaya at napakamemorable nitong bakasyon na to. Ayy hindi pala SANA, kasi pagkasama ko si Jiro, lahat posible mangyari.

Nang matapos na ko sa lahat ng ginagawa ko sa katawan ko, kinuha ko na yung mga bagahe ko at nilagay sa compartment ng kotse ko. Siguro sa bubong na lang yung kina Zach at Eros.

"Ma, alis na po ako!" sigaw ko mula sa kotse ko. Lumabas si Mommy at huminto sa pinto.

"Mag-iingat kayo dun ah! 1week lang ah, Balik kayo ng 1, dadalawin pa natin lolo't lola mo sa sementeryo.." mahabang litanya nito.

Lumapit ako at hinalikan si Mommy sa pisngi nito.

"Sige po. Bye po! Kayo din po mag-iingat!" sabi ko at sumakay na ko sa kotse ko.

Si Manong driver ang nagdadrive at nasa tabi niya ko. Walang segundo na hindi ako nakangiti. Kahit medyo may aanga-angang hindi marunong magbasa ng sign sa kalsada. Walang pedestrian lane tumatawid, pasagasaan ko to eh.

Nakarating na kami kina Jiro, nagpabusina ako at ilang minuto pa bago lumabas ito. Bumaba ako para tulungan si Jiro sa bagahe nito.

"Tagal mo naman lumabas" nasabi ko dito habang nilalagay ang bagahe niya sa compartment ng kotse ko.

"Si Mommy kasi eh ang dami pang sinabi.." paliwanag nito.

"Ah okay sorry. Tara na't susunduin pa natin sina Zach at Eros.." sabi ko. "Saka Jiro, kasama ko si Manong, ingat ha, baka mabuking tayo na may relasyon tayo.." pabulong kong sinabi dito.

Kung Alam Mo Lang (boyxboy) (bromance) (boy's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon