◑ Part 48 ◐

14K 337 83
                                    

Dedicated to recatenics

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

[ Thats our Jiro ~► ]

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

Jiro's POV

Maaga akong gumising at agad na tinawagan si Lance. Mag-e-enroll kasi kami ngayon at kailangan maagang pumunta ng school para di masyadong mainit at masikip.

Kakapindot ko pa lang ng 'call' nasagot na agad nito. I think wala pang isang ring.

"Ang bilis sumagot ah, natatae?! Haha!" nasabi ko  dito.

"Baba ka.." sabi nito.

Baba? Yung phone ba? Malamang hindi, 'ka' nga diba ibig sabihin 'ako'. >_<

"Bakit?" tanong ko dito.

"Basta baba ka.." pagkasabi niya non, binaba na niya. Ayun, nagka-babaan na XD

Sinunod ko na lang ito. Kahit wala pang ligo ligo at toothbrush toothbrush, bumaba na ko sa sala. Ang aga aga, 6㏂ pa lang, pinagtitripan na ko.

Pagbaba ko, wala naman akong nakita sa salas. Sabi na eh, pinagtitripan na naman ako nito. Lagot sakin mamaya to.

"Good Morning baby.."

Napabalikwas ako ng may biglang yumakap sa likuran ko. Nagtaasan yung mga balahibo ko at parang tatalon yung puso ko. G*go talaga to papatayin ako >___________<

"Huy, ok ka lang?! Sorry sorry, hindi ko na uulitin. Sorry baby.." nasabi nito.

"Paano ka nakapasok dito? Saka san ka galing?!" tanong ko agad dito. Sina Mommy't Daddy alam ko tulog pa eh.

"Yung maid niyong nagwawalis sa labas. Saka nag-cr lang ako, naihi ako bigla eh.." paliwanag nito.

"Eh ano namang ginagawa mo dito? Ba't ang aga aga mo?!" tanong ko ulit dito.

"Kasi po magpapa-clearance at mag-e-enroll po tayo. Saka ayokong paghintayin ka, mas okay na yung ako ang maghintay sayo.." paliwanag ulit nito.

"Ano kikiligin na ba ko?!" pang-aasar ko dito. "Joke! Hahaha corny mo dude! Sige ligo na ko.." pagpapaalam ko dito.

Iniwan ko muna sandali si Lance sa baba at umakyat sa kwarto ko para maligo. Mabilis lang ang naging pagligo ko at baka mainip si Lance, ang aga kasi eh, daming alam XD

Kung Alam Mo Lang (boyxboy) (bromance) (boy's love)Where stories live. Discover now