◑ Part 53 ◐

13.1K 353 66
                                    

Dedicated to gedionclark

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

[ Thats our Lance ~► ]

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○


Lance POV

Hoooo!!!! Ang sarap gumising! Napaka-blessed kong pogi. Thank you Lord!!!

Guess what kung anong meron ngayong araw? Kayo ayaw nito pero ako gustung-gusto ko. Firstday of 2nd semester!!! Ganun talaga pag may inspirasyon. ツ

Chineck ko muna yung phone ko para tignan kung nagtext yung mahal ko. At tama nga ako, tinext niya ko, kinikilig tuloy ako. Haha ano ba to para naman akong bakla dito. >.<

Jiro:

Good Morning ^_<
Babe, dito ako sa baba. Bihis ka na, papasok na tayo.
I Love You ♥

Pagkatapos kong basahin yun, nagpapa-padyak ako sa kama at sinubsuob ang mukha ko sa unan. Kinikilig ako!!!! Nakakabakla naman. =_=

to Jiro:

Good Morning din ^_<
Babe, sorry. Kakagising ko lang. Sige, hintay ka lang sandali, ligo na ko.
I Love You too ♥

pagka-send ko nun, agad kong hinubad yung damit ko at tumakbo agad sa banyo. Binilisan ko ang pagligo ko.

Pagkatapos maligo, magtoothbrush, at magbihis malamang, lumabas na ko ng kwarto. Kasabay ko pang lumabas ng kwarto si Daddy.

"Good Morning Daddy.." bati ko dito.

"Good Morning din, nandyan si Jiro, tara sabay sabay na tayong kumain.." sabi ni papa, tinanguan ko naman ito.

Sabay na kaming bumaba ni Daddy. Naabutan pa naming nagkukwentuhan sina Jiro at Mommy sa sala, na nakabihis pang office na din.

Pagkakita sakin ni Jiro, kinindatan ako nito. Pakiramdam ko tuloy namula pisngi ko >.<

"Oh andyan na pala kayo, tara breakfast na tayo.." aya ni Mommy.

Tumayo na sila at lumapit sakin si Jiro.

"Baby, antagal mo.." sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

Sus, dami pang sinasabi, gusto lang naman akong hawakan.. Nginitian ko na lang ito.

Kung Alam Mo Lang (boyxboy) (bromance) (boy's love)Where stories live. Discover now