◑ Part 47 ◐

14.4K 385 64
                                    

Dedicated to kiBeN28

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

[ Thats our Lance ~►

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

Lance POV

Nakabalik na ulit kami ng Pilipinas ng ligtas. Nag-cr muna kami sandali dahil kanina pa kaming ihing ihi. Kung kelan kasi pa-landing na, saka pa kami naihi nun kaya di kami makatayo.

Nag-ayos na din kami sa salamin dahil medyo mukha kaming bangag. Haha. Nahihilo pa ko na ewan. Jetlag >_<

Alam mo yung nakakaasar? Ang hirap mag-ayos ng buhok! Kakabuwisit! Sarap ipa-kalbo! >____<

Maya-maya pa, nang mapansin ni Jiro  ang pagkabanas ko sa buhok ko, lumapit ito.

"Ako na nga mag-aayos niyan, baka sabunutan mo na sarili mo eh.." pagpi-prisinta nito. Tumango na lang ako.

Habang inaayusan niya ko, tinititigan ko ang sarili ko at ang MAHAL ko sa salamin na nasa harap ko. Ang gwapo niya, ang gwapo ko, eh di syempre mas gwapo yung magiging anak namin ni Jiro..

Ooopps, wala nga palang mabubuo XD

"Ayan ok na.. Huwag ka nang high-blood ahh.." natatawang sabi sakin ni Jiro.

Nabalik ako sa sarili nang sabihin niya 'yon. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. Wow, ang gwapo na ulit ng buhok ko! HAHA

"Thanks babe!" masayang nasabi ko dito at bigla ko na lang hinalikan ito.

Agad namang tinugon ni Jiro iyon not minding na baka may pumasok sa loob ng banyo.

Nang may marinig kaming nagku-kwentuhang mga lalaki na sa tingin ko eh papunta dito, tinulak ko nang mahina si Jiro at naintindihan naman niya ito.

Tumatawa pa kami habang lumalabas ng banyo. 

Pagkalabas namin ng airport, sinalubong kami ng dalawang kotse, kotse namin at kotse nila Jiro. Nagsabi kasi kami na sunduin kami dito dahil marami kaming dala ni Jiro.

"Ayan na sundo natin, paano ba yan, bukas na lang ulit. Enroll tayo. Sunduin kita sa inyo.." sabi ko kay Jiro.

"Sige. Ingat, bye.." sabi naman ni Jiro. Lumapit ito at bumulong sa tenga ko. "I love you.." saka sumakay na sa kotse nito.

Sumakay na din ako. Si manong driver lang naman sumundo sakin, ganun din kay Jiro.

Kung Alam Mo Lang (boyxboy) (bromance) (boy's love)Where stories live. Discover now