◑ Part 30 ◐

21.8K 437 108
                                    

Merge with xPANICx's TRLA: The Kisser. 

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

Thats our Lance and Jiro (left) and Zach and Eros (right) ~► ]

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

Lance POV

Maaga akong gumising dahil friday pa lang ngayon at maghahanda pa ko sa pagpasok ko.  At bago ko pa makalimutan si RoLan, yung puppy stuff toy na binigay ni Jiro, kinuha ko ang bag ko at ipinasok ko na agad siya doon.

Naligo, nagsipilyo, nagdamit at nag-ayos na ako. Sinigirado ko talagang gwapong gwapo ako ngayon dahil may date ulit kami nina Jiro at RoLan ko. (*^﹏^*)

Di pa pala ako kumakain ng breakfast ko.

Bumaba na ko para kumain. Naabutan ko pa sina Daddy at Mommy ko.

"Good Morning Mom, Good Morning Dad.." lumapit ako kay mama at humalik ako sa pisngi, ganun din kay papa. Daddy ko naman yun kaya wala lang sa kanya yun.

"Good Morning din.. Mukhang ang ganda ng gising ng anak ko ah?!" bati sakin pabalik ni Mommy.

"Gwapo lang talaga ang anak natin kaya maganda ang gising. Syempre, kanino pa ba magmamana yan, eh di sakin.." sabi naman ni Daddy. Ang galing niya magtagalog no? Syempre matagal na siya dito sa Pilipinas eh. (O baka tanga lang talaga yung author)

"Masarap lang po talaga ang tulog ko.." sabi ko. Alangan naman sabihin kong 'Naka-skype ko po kasi kagabi si Jiro, yung boyfriend ko..'

Baka masampal pa ko ni Mommy at mabugbog ni Daddy. Di pa ko handang sabihin ang tungkol samin eh. May tamang oras, araw at panahon para diyan.

"Da, gagamitin mo ba ulit yung car ko?" tanong ko.

"Hindi na, napa-ayos ko na yung kotse ko.." sabi niya habang nakatingin sa hawak nitong diyaryo.

Minadali ko nang ubusin ang pagkain ko at agad na umakyat ulit sa kwarto at nagsipilyo. Kinuha ko na ang bag ko at nag-one last look sa salamin sa kwarto ko.

"Gwapo pa rin? Kelan ba ko gagaling sa sakit na to?!" tanong ko sa salmin at nag-pogi sign pa ko. XD

Ni-lock ko na ang pinto, bumaba, at nagpaalam na ko sa mga magulang ko. Dumiretso na ko sa kotse ko at agad na pinaandar ito.

Tinext ko nga pala si Jiro na susunduin ko siya sa kanila at huwag na niyang dalhin ang sasakyan niya.

~◘~◘~◘~◘~

Tinext ko na siya na nandito na ko at agad naman siyang lumabas at pumasok sa kotse ko.

Kung Alam Mo Lang (boyxboy) (bromance) (boy's love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon