Part 10

1.5K 37 0
                                    

[Two Weeks Later]

At Millennials Fashion Trend Boutique
 

Sa nakalipas na dalawang linggo, ay gaya nga ng sinabi ko kay Jayvee yung boutique ko muna ang inasikaso ko. Para ma- divert narin yung atensyon at mas maging productive ako sa oras ko kada araw. Tutal naman ay bakasyon ko na.

One good morning, akma akong lalabas ng mini office ko ng may makita akong pamilyar na lalaki. Pilit ata talaga kaming pinagtatagpo ng tadhana. Dahil hanggang dito ba naman ay nakita ko na naman yung lalaking gusto ko ng layuan pansamantala.

"Anong appointment nung lalaking nag-hihintay?" Takong ko sa assistant ko na si Janice patukoy kay Ryan na nasa labas ng mini office ko dito sa loob din ng boutique.

"Ah si Mr. Martinez po ba?"

"Yes." Kunot noo kong tanong.

Sino ba namang hindi magugulumihanan? Hindi ba siya aware na ako ang nagmamay- ari ng boutique na 'to? Kaya bakit siya nandito? Imposibleng bibili lang siya kase naghihintay siya sa couch na designed para sa mga waiting clients with appointments.

"Naka- schedule po siya na makipag-usap with the manager at 11 AM." Sabi niya habang binabasa.

That Manager supposedly Aunt Maggie pero wala si Auntie dito ngayon since nandito naman na ako.

"Bakit?" May kuryosidad sa tanong ko.

"Ma'am, siya po pala yung ni- recommend ni Aunt Maggie niyo po na maging model para sa Men's  clothing ng boutique natin." Tugon niya.

"Aunt Maggie?" Ulit ko. Dahil pag siya ang nagsuggest para sa business ko, hindi ko siya tinatanggihan. Dahil siya ang nagtrain sakin nung nagsisimula palang ako sa larangan na 'to at pag panahong hindi ako nakakabisita rito, siya ang namamahala.

"Yes Ma'am, kasi po sa Men's section po bumaba yung sales natin for the past two months kumpara sa sales natin last year, same quarter."

"Yeah, I see. Pero bakit siya? Of all man? Magkakilala ba sila? Or someone refer him to Aunt Maggie?" Napahawak nalang ako sa sintido ko at napapikit.

"Ma'am sorry, wala pong nabanggit si Madame." Sagot niya

"Okay, I'll just handle this. Hindi na rin naman siya mapapalitan dahil si Auntie ang nagsuggest. Sabihin mo nalang kay Mr. Martinez na ise- schedule nalang kung kelan ang photoshoot at tatawagan nalang siya right away pag na-settle na." I have no choice left.

"Okay Ma'am, pero kilala niyo po ba si sir?" Tanong niya.

"Teka binanggit mo na ba yung pangalan ko sa kanya?" Kinakabahan kong tanong.

"Hindi pa naman po, ngayon ko palang sasabihin. Dahil wala po yung manager na nagpapunta sa kanya rito." Aniya

"No.. no. Hayaan mo na. Kay Aunt Maggie padin siya naka-care of." Mabilis kong sabi.

"Ah kilala niyo po pala siya." May pagtango tango niya pang sabi.

"Yeah basta Janice ikaw na bahala sa kanya, do your as what you are told." Bilin ko at bumalik na sa pwesto ko.

"Noted Ma'am." Tugon niya at lumabas na.

Tinawagan ko agad si Aunt Maggie para kumunsulta sa kung anong gagawin ko. Ayoko makipag-negotiate kay Ryan.

Ilang ring lang ay sinagot niya narin naman.

"Good day Monique, what can I do for you?" Malumanay na tono ng boses. That's definitely her.

"Good Morning Auntie, itatanong ko lang po kung kelan naka- schedule yung photoshoot nung bago nating model for men's?"

"On the day after tomorrow. Oh yeah, I forgot to tell you about that, I'm sorry ija."

"No Auntie, it's okay. I'm just wondering if you're going to come with us that day? That would be fun." Sabi ko nalang yung word na 'FUN',  dahil dati nae- enjoy namin talaga ang photoshoot ng models dahil kami ang namimili ng isusuot nila and seeing our products they're wearing makes us feel happy.

"I was about to call you yesterday but an emergency meeting came up that's why I forgot to tell you something. I need to go to Paris for next week's event a client invited me. Tomorrow is already my flight so I can't come with you that day. I hope you understand. But I already settled the schedule of the photoshoot."

"Uhmm. Thank you Auntie. Anyway, it's okay. I can handle this. Just take care and enjoy in Paris." I said cheerfully so that she'll not worry.

"Thank you Monique and by the way I haven't called Mr. Martinez yet. We have an appointment supposedly today. Just tell him his schedule would be on 26th."

"Yes Auntie. Don't worry."

"He is new to this . Just make sure to accompany him so that the two of you can work well. Bye."

Seriously? I'm aware that he is new to this, he's not really a model but I'm aware that he has the looks. Pero bakit ba siya biglang napasok sa modelling? Paano tuloy kami nito? I should plan this ahead and threw away all my worries.

COMEBACK 1: Monique and Ryan (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora