Part 9

1.5K 35 0
                                    


     Hindi na kami nakapag- paalam sa debutant dahil umalis na rin kami ni Jayvee matapos naming makasagutan si Ryan at hinatid niya na rin ako sa unit ko. Sinabi niyang kailangan kong magpahinga kaya hahayaan niya na daw muna ako at agad din siyang umalis. Hindi ko rin naman daw kailangan na ngayon agad ako magresponse sa pagtatapat niya sakin.

     Hindi ko rin naman inaasahan yung confession niyang iyon kaya nanatili akong tahimik at pinapakinggan lang kung anong gusto niyang sabihin. Pero bakit kaya bukod sa nagulat ako ay wala na akong iba pang naramdaman. Kumbaga wala yung spark na tinatawag though sweet words naman yung mga sinabi niya and he even hugged me.

     Siguro kasi, hanggang kaibigan lang talaga. Simula nung magkakilala kami hanggang ngayon, itinatrato ko siyang kaibigan na malapit sa akin na akala ko ganun lang din ang nararamdaman niya para sa akin.

     Ngayon ko lang naisip, ganito din ba kami ni Ryan? Ganito rin ba yung nararamdaman niya sakin? Siguro nga, wala naman siyang intensyon na masaktan ako pero ako yung pilit umaasa sa kanya kaya nagsawa na siya. Siguro nga tama siya na ang selfish ko. Maybe this time, ayoko ng maulit pa samin ni Jayvee iyon. Ayoko ng maging selfish.

     Alam ko kasi sa sarili ko na kahit anong inis ang maramdaman ko para kay Ryan dahil sa inaasta niya, hindi ko padin maiaalis sa sarili ko yung pagmamahal ko para sa kanya. Hindi madaling bumitaw at makalimot. Kaya ayokong i- take advantage yung feelings ni Jayvee. Ayoko siya maging rebound lalo na't hanggang kaibigan lang talaga. Gusto kong mahalin siya ng taong mahal niya. Ayoko maging selfish para sa kanya dahil alam ko sa sarili kong si Ryan padin hanggang ngayon.

     Kahit na maging si Alexa at Ryan ang magkatuluyan, hindi na ko makikielam sa relasyon nila. Hangga't alam kong masaya sila ay hahayaan ko nalang. Kung talagang kami ni Ryan para sa isa't isa naniniwala akong babalik at babalik siya sakin at sa amin ng mga kaibigan ko.

     Pero sana.. mabuo ulit kami. Na walang magiging samaan ng loob sa pagitan ni Jayvee at Ryan kung sakali. Tutal naman ay magkakaibigan talaga kami. Wala rin namang masisisi sa lahat ng nangyari. Lahat kami ay nagmamahal lang, a love without boundaries. Kaso sa maling tao.

     Maybe the three of us needs a break; a time and space to unwine.

    Kinabukasan ay tinawagan ako ni Jayvee at niyaya niya akong pumunta sa grand opening ng bagong bukas niyang coffee shop business. Nung una ay undecided pa ako kung pupunta ba ako o hindi. Pero kahit late nako ay naisipan kong dumaan muna doon at para nadin magpaalam.

"Nikky." Salubong niya sakin at nginitian ko rin siya. "Sorry hindi kita nasundo pero buti nakapunta ka."

"Late na nga ako eh. Kamusta naman, ang daming tao ah? Congrats." Bati ko.

"Oo nga eh, kaya eto medyo busy. Tara pasok ka, magtry ka ng coffee namin." Alok niya at may sumenyas sa kanya na lalaki. Assistant niya ata yun.

"May mga naghahanap na sayo dun, mauna kana. O-order nalang ako. Libre to' ah." Pagbibiro ko.

"Sige special pa yung para sayo, ibibilin kita kay Tristan." Sabi niya at pumasok na sa loob.

Hindi naman ako nagmamadaling umalis kaya naisipan kong pumasok muna sa loob, tutal naman gusto ko rin makita yung interior design at gusto ko rin yung frappe na kanina ko pa nakikita na hawak ng isang babae.

"Monique! Dito." Tawag sa akin ni Tristan at may pagkaway pa.

"Business minded ka na rin ha." Bati ko sa kanya.

Kaibigan din namin si Tristan pero iba yung course niya sa amin kaya bihira namin siyang makasama sa school.

"Mana nako sa inyo eh. Ano palang gusto mo? Hot or iced?"

"Frappe, yung pinakamasarap." Sagot ko at ikinangisi naman niya.

"Nako yung pinakamasarap dito pinapabayaraan eh." Pagbibiro niya.

"Di nako babalik dito pag may bayad."

"Nako, malulugi negosyo pag di na bumalik yung magandang customer." Sabi ni Jayvee ng nakangiti na ngayon ay katabi ko na.

"Saglit lang po ma'am." Sabi ni Tristan at kunwari ay nagmamadali pa.

"Madami pang tao bakit nandito kana agad?"

"Napapagod nako, di pa ko sanay."

"Sus ngayon pa ba?" Pagbibiro ko.

"Nga pala, ikaw? Kamusta na yung boutique mo?" Tanong niya sakin.

"Oo nga pala, mawawala muna ako ng isang buwan. Medyo bumababa kasi yung sales this month eh. Kailangan ng marketing strategy. Pagtutuunan ko muna." Sa wakas nagkaroon din ng tamang timing.

"Ganun ba? Magiging busy nga din ako eh. Sana mapuntahan kita doon pag may time. Hands on kasi ako ngayon dito eh."

"Okay lang naman. Babalik din naman ako next month, ako na yung dadalaw dito sa inyo." Tugon ko.

"Here's your order ma'am." Energetic na sabi ni Tristan.

"Sige na alis nako, thank you Tristan and Jayvee congrats!" Masaya kong bati. "Osya, una nako ha."

"Take care for me." Paalam niya.

COMEBACK 1: Monique and Ryan (Completed)Where stories live. Discover now