Part 4

1.5K 43 0
                                    


"Anong pakulo nanaman ba 'to Monique?" Galit na bungad sakin ni Ryan ng tawagan niya ko.

"Mas kumportable na kami sa grupo namin." Tugon ko. Kahit papano ay nalungkot ako sa pagtrato niya sakin ngayon. Kung sa katunayan nga, siya yung may atraso sakin eh. Pero hindi ko na inungkat pa iyon.

"Nasan ka ngayon?" Seryoso yung boses niya pero bakas ang pagka- inis.

"May gagawin pa ko." Matipid kong sagot

"Kailangan natin mag- usap." Alam kong nagtitimpi nalang siya.

"Wala na tayong dapat pag- usapan. Si Jayvee ang bahala sa sayaw namin kaya siya nalang kausapin mo tungkol doon." Sabi ko ng maayos sa kanya pero pinatayan ko na siya ng tawag.

Sa pagkaka- alam ko, inabisuhan siya ni France na hindi na kami magpa-practice at magt-training kasama ang grupo nila sa pamamagitan ng text message pero hindi ko alam kung bakit ako yung tinawagan niya?

Nag- umpisa na ulit akong manood ng video na gagayahin namin. Pwede naman gumaya ng sayaw galing sa youtube. May advantage nga lang ang grupo nila Ryan dahil sila mismo ang gumawa ng steps at nag- choreo ng sayaw nila.

Maya maya pa ay may narinig akong kumatok. Inaasahan kong isa sa mga kaibigan ko iyon dahil magpa- practice kami dito. Pero nagkamali ako, it was Ryan who knocked.

"May kailangan ka?" Halos walang emosyon kong tanong at tumalikod na. Iniwan kong bukas yung pinto.

"Nikky ano ba? Alam mo namang mahalaga sa akin tong competition na to diba?" Dama ko sa boses niya ang lubos na pagkadismaya at inis.

"Ano pa ba? Bakit ako nanaman?" Halos pasigaw kong tanong. Nakakainis kasi yung inaasta niya.

"Ano nanaman yung ginawa mong pagde-desisyon para sa grupo niyo? Na humiwalay samin?" Huminahon yung boses niya.

"Desisyon ng grupo namin yun."

"Gumaganti ka ba? Kasi alam mong importante itong sayaw na to' sakin?" He's looking at me with anger.

"Hindi ako gumaganti." May diin kong sabi.

"Kung ito yung paraan mo para gumanti dahil sa relasyon namin ni Alexa. Eto nalang masasabi ko sayo. Hindi mo ko masasaktan tulad ng sakit na naramdaman mo ng dahil sakin." Then he smirk. "You know why? Cause I never had any feelings for you like you do."

"You're wrong. Hindi na kita gusto. Iba na yung Ryan na kilala ko noon kesa sa Ryan na kaharap ko ngayon. You've changed a lot. Alam mo ba yung nararamdaman ko ngayon? Not a revenge but regret. Dapat pala hindi nalang kita nakilala at naging kaibigan ng two years baka sakali pang hindi ganito kasakit yung naidulot mo sakin. Sana pala pinabayaan nalang kita, sana di na kita pinilit na bumalik samin pagkatapos mong makilala si Alexa. Two years tayong magkaibigan Ryan. Four months ago, two months kitang pinilit na mapahiwalay kay Alexa in a good way. Alam mo naman diba kung bakit ayaw ko para sa inyo? It's clear to us. It's not because of my selfish reason na dahil may gusto ako sayo pero dahil gusto kong malayo ka sa makaka bad influence sayo. Pero pinili mo siya. Kahit na ang epekto niya sayo eh natuto kang mag night life, uminom at manigarilyo. After nung two months na yun, two months mo kong hindi kinibo. Silent treatment kumbaga pati mga kaibigan natin dinamay mo. Nagtiis kami, naging civil tayo sa isa't isa tuwing magkikita sa school o maski sa practice o sa sayaw. Pero dahil alam mong ako yung pinaka-affected sa nangyari, after almost two months na walang kibuan ako yung una mong kinausap noong isang gabi. Akala ko maaayos na eh, akala ko babalik kana saamin pero nagdesisyon narin akong i- let go ka ng sabihin mong si Alexa talaga ang gusto mo. Pero bakit mo pako pinaglololoko? Nagyaya ka pa ng dinner? Maybe we should stop Ryan. Not Maybe, we should really stop this. Tapusin na natin lahat ng communication at kahit na anong connection maski sa sayaw pa yan. I'm so tired of this hindi lang ikaw." Ramdam ko yung tuloy tuloy na luha na umaagos sa pisngi ko. I can't stop myself. Dumerecho nako sa kwarto at isinara ito.

COMEBACK 1: Monique and Ryan (Completed)Where stories live. Discover now