Part 2

2K 43 9
                                    

Ngayong gabi, muli nanaman akong aasa na sana makaklaro ang lahat sa sitwasyon namin. Dahil hindi na din maintindihan ng mga kaibigan namin si Ryan.

Pero gaya nga ng sinabi niya kanina magpapaalam na siya ng maayos na iiwas na muna talaga siya sa grupo namin at kailangan ko nang tanggapin ang desisyon niya.

"Kelan nga yung huli nating dinner together?" Narinig kong tanong ni Anne.

"Matagal-tagal na yung huling na-kumpleto tayo." Nakangiting sabi ni Jayvee

"Hay, buti naman Nikky naisip mo na magdinner man lang tayo after ng practice. Nakakagutom eh." France

Nikky ang nickname nila sakin and that's because of Ryan. He used to call me that.

"Nakakapagod kaya yung training at practice akala ko nung una madali lang." Sagot ko habang pinagmamasdan ko yung excited nilang mukha habang iniintay yung order namin.  "Nag- usap pala kami kanina ni Ryan at siya talaga nag-yaya dito." Pagpapatuloy ko

"Nag- usap kayo?" Tanong ni Jenna na may gulat sa mukha.

"Uhmm. Oo." Mahina kong tugon.

"Anong pinag- usapan niyo?" May kuryosidad na tanong ni Karen.

"Nagyaya lang siya. Hindi ko sigurado kung bakit biglaan niyang naisip yun pero siguro dahil wala rin kasi ngayon si Alexa." Sagot ko

"Nililigawan niya palang yun ah, pano pa pagnaging mag- asawa na sila. Baka ni-anino niya naka-kadena." Jayvee

"Hayaan na muna natin, babalik rin satin yan si Ryan. Pero nakaka-sakal yung ginagawa ni Alexa." JM

"Oo nga eh. Bakit kasi pati tayong mga kaibigan niya ipinagbabawal?" Anne

Dumating na yung order namin kaya nag- umpisa na silang kumain even without Ryan. Baka nga daw kasi nanti- trip lang yun kaya nagyaya kunwari. Pero ako hindi ko pa ginagalaw ang pagkain ko at umalis muna sa kinauupuan ko. I should call Ryan. Hindi naman ako kaagad maniniwala na trip lang iyon.  Kaya lumabas muna ako para tawagan siya.

Tinawagan ko siya pero nakapatay.

Pero bakit ganun? May tumawag pa nga sa kanya kanina ah? Kaya imposibleng dead batt.  Wala ba talaga siyang balak pumunta? Or an emergency came up? Nararamdaman ko nanaman ang pag- aalala kaya ganun nalang ang gulat ko ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Monique!"

"Anne ano ba, ginulat mo ko!" Suway ko. Pero napangiti nalang din ako sa kanya.

"Sorry!" Nag peace sign pa siya. 

"Bakit? May problema ba?" Tanong ko dahil magtataka ako kung bakit sumunod pa siya sakin.

"Nothing. Dapat nga ako magtanong niyan sayo eh. Pumunta tayo rito para kumain. Bakit nandito ka sa labas?" Usisa niya.

"Si Ryan kasi. Di padin siya dumadating. Worried lang ako." Sabi ko. I never lie to her kahit magmukha na akong katawa-tawa ngayon. Mas nagwo-worry ako kaysa isipin na nanttrip lang siya.

"Ryan again? Please Monique stop it already. Wag kanang umasa sa kahit anong sabihin niya. Kung gusto talaga niya pumunta, edi dapat sumabay na siya satin sa pagpunta dito diba? Come to think of it."

"Pero di ko lang talaga magawang isipin na magagawa niyang pagtrip-an lang ako ng ganito." Himutok ko.

"Nagbago na siya. We don't know him anymore. Hayaan na natin siya sa gusto niya kaya wag ka ng magtitiwala sa kanya ulit." Payo ni Anne sakin.

"Sa tingin ko ako yung dahilan kung bakit nagkakaroon ng gap between our squad and Ryan."

"He's part of our squad before but he left. I think we've done our part, especially you to pull him back but he refused. So we better let him go."

Lumapit naman si Anne sakin at sandaling niyakap ako.

"Kahit wala na si Ryan sa squad, we are here Monique. Please come back, yung Nikky na kilala naming strong. Kasi hindi mo deserve paikutin lang ng gaya niya. Ilang beses ng nangyari 'to kaya matuto ka na." Pagpapatuloy niya.

I'm really thankful to have a bestfriend like her. Words of encouragement really matters.

COMEBACK 1: Monique and Ryan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon