Part 5

1.5K 38 1
                                    


Akala ko tuluyan na siyang umalis pero hindi pa pala dahil muli kong narinig ang boses niya. Malamang ay agad niya rin akong sinundan. Pero dahil nakasara ang pinto ay nanatili na lamang siya sa labas.

"Alam mo kung bakit nagkaganito lahat? It was all your fault! Kung sana alam mo yung boundaries natin. Kung sana hindi ka nagkagusto sakin. Alam mo namang magkaibigan tayo diba? Bakit kailangan pang sumobra sa pagkakaibigan yung feelings mo para sakin? Okay lang naman sana na maging kami ni Alexa at kasama ko parin kayo eh. Pero sa sitwasyon natin ngayon Nikky hindi na pwede. Alam mo kung bakit? Kasi nandyan ka. Ikaw yung nagpapabig deal ng sitwasyon. Napipilitan kami pare-parehas na lumayo sa isa't isa para sayo. Kaibigan ko rin sila pero ng dahil sayo nasisira ang kaugnayan ko sa kanilang lahat na dapat yung sa atin lang. Sa atin nalang ang tuluyang masira. Sa tingin ko nga tapos na ang lahat. Wala nakong magagawa. Then fine, I'm giving up. Ayoko na din. Gusto ko nadin matapos tong kalokohang to. Kakalimutan ko ng nagkaron ako ng mga kaibigan at kasama kana don. Sana masaya kana ngayon. Self centered!" Halos tumigil ang paghinga ko dahil sa narinig ko galing sa kabilang pinto. Lahat ng rants niya sakin ngayon ko narinig. Akala ko naiintindihan niya ako pero may ibang side siyang ipinaglalaban at ang masakit don, ako at ang feelings ko yung ikinagagalit niya.

Natapos ang araw na yun na walang nakaalam sa nangyari samin. Ayoko na munang ipaalam sa kahit sino. Ayokong may mag- alala sa akin o kaawaan ako, dahil sigurado akong iiyak at iiyak nanaman ako kapag ikinwento ko ito sa iba kahit pa sa mga kaibigan ko. Maaari pang maging sanhi iyon ng gulo kapag nalaman nila ang inasal ni Ryan sakin. Ayoko ng maging self centered gaya ng sabi niya.

Ilang araw ang lumipas at dumating na yung araw ng dance competition. Madaming grupo ang sumali at masasabi kong magagaling yung mga nagperform. Kaya kinakabahan ako dito ngayon sa back stage dahil ilang minuto nalang ay kami na ang sasabak.

"Kilala mo yung boyfriend ni Alexa?" Narinig kong may dalawang babaeng nag-uusap sa may side ko at nabanggit ang pangalan ni Alexa kaya naman na-curious ako sa kung anong kasunod nito.

"Oo si Ryan, yun yung nag- choreo ng sayaw nila diba?"

"Yeah. Alam mo ba may kaibigan daw yun na sobrang obsessed sa kanya kaya wala daw ginawa kundi mangielam sa relasyon nila ni Alexa."

"Seriously? How pathetic her friend is. Anong reaction ni Alexa?"

"She remained kind. Buti na nga lang understanding siya eh. Pabiro nga niyang sabi na she's better naman daw dun sa girl kaya no need to worry na threat yung kaibigan ni Ryan sa relasyon nila."

"I really like her talaga. She's so gorg, talented and kind! Kahit ako sa posisyon ni Ryan, I will obviously choose Alexa than his friend."

"Sabi nila kasali daw dito yung tinutukoy na babaeng kaibigan niya eh. That possesive witch."

Nakita ko namang papalapit si Jayvee doon sa dalawang babae at nagsalita.

"Don't you ever call her a possesive witch. She's precious to us, bitches!"  Bakas sa mukha nung dalawang babae ang gulat at takot sa inasta ni Jayvee. Pero kanina pa ba siya nakikinig?

Sigurado naman akong di ako kilala ng dalawang babaeng yun kaya hindi nako nag- effort na umalis sa pwesto ko dahil gusto ko rin namang malaman yung tungkol kila Alexa at Ryan. Kaso nasaktan lang ako.

Lumapit si Jayvee sa akin at niyaya nako.

"Malapit na tayo magperform, tara na. Wag mo nalang isipin yung mga sinabi nila."

COMEBACK 1: Monique and Ryan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon