XXX.

3.3K 62 3
                                    

Alexis

                   Binalot naman ako ng kaba ng lumapit siya sa may camera at tila tinititigan ito.

"Babe?" tawag sa kanya ni brent.

nakahinga naman ako ng maluwag ng inalis niya na ang tingin sa camera.

muli pa itong sumulyap pero tumingin na muli kay brent.

"Anong meron babe? may problema ka ba?" tanong ni brent kay fer at pasimpleng lumingon sa akin, tila kinakabahan din siya.

"May iba pa bang tao dito sa bahay bukod sa atin?" fer asked while staring at brent tila inuusisa siya ng mabuti.

Nako po!

"Wala, it's just you and me babe, unless gusto mo ng mag ka baby para tatlo na tayo dito" brent said nonchalantly.

Aba gago to ha! sabi ko sa isip ko pero tila nainis si fer sa kanyang narinig at nawala na ang atensyon sa bumabagabag sa kanya. Magaling talagang umarte pambihira.

"Tse!" sabi ni fer at iniwan na si brent.

nang masigurado na ni brent na di na siya makikita ni fer ay nag thumbs up siya sa akin.

napa iling na lang ako sa ginawa niya at na upo sa aking swivel chair, umikot ako ng umikot na parang batang ngayon lang naka upo dito, namimiss ko na talaga siya.

pinanood ko ulit siya, tumalon siya sa pool at (malamang) nag swimming.

she's so freaking hot (as always)

susunod sana si brent ngunit pinigilan ko siya, aba! nahihibang ka na ata brent!

nilingon niya ako sa camera gamit ang kanyang mata dahil di siya makagalaw, ipinunta ko siya patungo sa kwarto niya, ni lock siya doon at pinatulog.

habang ako eto pinagpepyestahan ang aking jenefer.

nakatitig lang ako sa kanya tipong kala mo stalker niya ako,

niyakap niya ang sarili niya at sumambit ng "Miss na kita alexis, hindi ba pwede na sa akin ka nalang ikasal?"

napabuntong hininga ako "sa iyo naman talaga ako ikakasal siraulo!"

nag pa lingon lingon ulit siya,

"Na papraning na ata ako, bakit parang naririnig ko siya" saka niya iniling iling ang ulo niya tila inaalog ang utak niya.

pumunta siya sa kusina, uminom ng tubig at pumunta ng kwarto at natulog na kahit na hindi siya maka tulog.

MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO

"Wake up brent" tinapik tapik ko ang muka niya.

tanging ungol ang sinagot niya sa akin.

"Ah ayaw mo ha" inangat ko siya sa ere at patihaya siyang nakahiga dito,

kumurap kurap siya at nag inat pa and then,

"Ahhhhhh! ibaba mo ako!" sabi niya

"Can you please shut your mouth? baka marinig ka ni fer" inirapan ko siya at ibinaba na ulit sa kama niya.

kinusot kusot niya pa ang mata niya "Bakit ba kasi ang aga mo mambulabog? at bakit nandito ka?"

"Mag ayos ka, pakakasalan ko na siya" walang kagatol gatol kong sabi dahil naiinip na ako, ang bagal niya kumilos eh.

natulala pa siya sa akin "ANO BA BRENT?! ARE YOU DEAF?!"

"Ha? ano? ano nga ulit?" tulala niya pa din niyang sabi

HerSheWhere stories live. Discover now