X.

3K 76 2
                                    

Jenefer

           

               Naglalakad ako papunta ng main campus ng university, sa annex kasi yung college/department namin.

I'm a HRM student by the way nag shift ako from BS Architecture.

Though love ko naman ang math at pag drawing mas love ko ang pagkain haha

Kaya eto irregular ako dapat graduating na kaso naudlot dahil sa pag shift ko, I'm a 3rd year student nag kasabay pa tuloy kami ni chloe. Naka habol ako sa mga major subjects dahil tinake ko ito noong summer.

So ayun nga papunta ako ng main campus, pupunta lang ako dun sa registrar's office para kumuha ng requirements.

Right after kong pumunta don naglakad lakad muna ako at naisipang tumambay sa university garden, nakita ko yung ka crew ko at yung gf niya kaya nilapitan ko sila.

"Hi kuya rosh bakit nandito kayo?" Tanong ko at naupo sa tabi nila.

Nakangisi naman sila at yung gf niya natatawa, yung gf niya is yung kaklase nila alexis at jaime.

Nandon din pala si jaime at nakangisi din siya sabay tap sa braso mg katabi niya di ko naman tinignan kung sino yun dahil nag salita na si kuya.

"Nandito si gf eh free time nila" sabi niya at napahagikhik na yung gf niya dahil tila natuwa sa tinitignan niya.

Natatawa na rin si jaime kaya tinignan ko na yung tinatawanan nila.

Awtomatikong napa kagat ako sa labi ko...

Si alexis pala na namumula habang gumagawa ng visual aids niya. Mukang distracted na siya.

Pero bakit ba sila tawa ng tawa?

"Lexis si ate fer oh" sabi ni Ligaya (Gf ni kuya Rosh)

Sinakyan ko naman ang trip nila.

"Sabihin mo sabi ko 'Hi'" naka ngiti kong bulong kay ligaya.

"Hi daw lexis oh mag hi back ka naman" sabi niya na ikinahagikhik nila.

Nagsusulat parin siya "Hi sa likod" sarkastikong sabi ni lexis.

Napatigil sila sa pag hagikhik at binato ni jaime si alexis ng papel na bola.

"Ang bantot ng joke" sabi ni Jaime kay Alexis.

Nag angat naman siya ng tingin at pinanlisikan ng mata si Jaime.

Jaime just smirked at alexis.

Napatingin naman sakin si Alexis at bigla silang napa...

Ayieeeeee!

Kaya naman napa yuko na ulit si Alexis at ginawa ang report niya.

Napa halakhak ulit sila.

After ng ilang segundo ay may kanya kanya na silang mundo,
Naglalampungan na si ligaya at rosh ay busy sa pag kalikot ng cellphone niya si Jaime.

Napatitig naman ako kay alexis na naka focus na sa ginagawa niya...

Ang laki na ng pinag bago niya, nag matured na siya, unlike dati na kung ano masabi niya eh wala siyang pake alam, pero di parin siya nag babago siya pa rin yung malakas ang dating, reckless, witty and kind hearted person that I knew.

Though medyo di na siya ganon ka kulit. Noong nawala naman si Chloe di naman siya ganito, nag ka ganito lang daw si Alexis nang iwan siya ni Trixie ang kaisa isang babae na inibig niya.

Oo patay na patay siya sa kapatid ko dati ngunit masasabi kong puppy love lamang ito, Hindi dahil mukang tuta ang kapatid ko kundi dahil hindi naman siya sobrang na depress noong bigla nalang nawala si Chloe.

HerSheOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz