IV.

4.3K 109 1
                                    

Alexis

"Okay guys 15 minutes break after that groupings na" sabi ng resident teacher.

Pagod at pawis na pawis na nag si puntahan ang mga work shoppers sa kanilang mga water bottle sa gilid at agad agarang nilagok ang kanilang tubig, dulot narin siguro ng matinding uhaw.

Kaya nga mahalaga ang tubig eh it cleanses our body, and 75 percent of our body is composed of water. Whenever we released a sweat or a urine we must replace it again that's why we need to drink water para narin ma rehydrate tayo or we will die of thirst.

Ew ang nerd nanaman.

"Huy! Tulala nanaman" Jaime said while waving his hand in front of my face.

"Sorry, ano tara kain tayo di kasi ako nakapag lunch eh" I said.

"Ah kaya pala ang lamya mo gumalaw, Tara na saglit lang yung break oh" Sabi niya at hinila na ako palabas ng studio.

"Saan tayo?" Tanong ko sakanya ng maka labas kami.

"Fast food kaya tayo?" Suggest niya.

"Ang yaman talaga haha" sabi ko.

"Wag ako Lexis ikaw nga may Ducati ka ako simpleng paa lang ang meron, ano saan nga?" pag dadrama niya.

"Ayan nalang tayo oh" nginuso ko yung mami na mukang patok sa masa.

"Sigurado ka?" Pagtatakang tanong niya.

"Oo nga tukmol natakam ako bigla eh" sabi ko at sinimulan ng lumapit sa mamihan.

Naupo na kami sa lamesa dun at si Jaime na ang nag order.

"Oh eto na mahal na prinsesa" sabi niya at inilapag na ang mami sa tapat ko.

Pahigop nako ng sabaw ng biglang nag salita si Jaime.

"Mukang mas gaganahan ka sa pagkain niyan dude" sabi niya ng may malaking ngiti sa muka niya.

Kumunot naman ang aking noo.

"Bakit?" I asked.

Ngumuso siya kaya napatingin ako sa likod ko.

Agad ko namang binawi ang tingin ko ng makita ang nginuso niya.

It was Fer.

Tinuloy ko nalang ang pag kain ko, medyo wala pa din ako sa mood pag na aalala ko yung nangyare sa garden.

Kaya pala ayaw niya, may bf pala.

Ano homophobic? Hays.

Teka di ko naman siya gusto eh, tska tinulungan ko lang naman siya.

"Huy! Tigil tigilan mo nga yang pakikipag usap sa sarili mo dude ang creepy mo" pukaw ni Jaime sakin.

Tapos na pala siya, kaya inubos ko narin yung pagkain ko.

"Hindi ako nakikipag usap sa sarili ko no" pag tatanggi ko.

"Ows?" Sabi niya.

Aba! Ayaw pa maniwala.

"Oo nga, natutulala lang ako. Tsaka tigil tigilan mo nga yang panunukso sakin diyan sa ka crew mo di ko crush yun." naiirita kong sabi.

"Hulowl! Kinikilig ka lang eh" sabi niya na medyo natatawa pa.

"As if naman" pagtataray ko.

"Oh speaking of , ayan na siya papalapit sa atin" sabi niya at ngumuso ulit sa likod ko.

Hindi ako lumingon dahil alam kong nang aasar lang to.

"Uy kumain din pala kayo ng mami, Tara na sabay sabay na tayo bumalik" sabi ng boses ng babae sa likod ko.

HerSheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon