XIV.

2.5K 78 5
                                    

Jenefer

                 Bumalik na siya sa kanyang silid.

Matapos ang insidente namin sa kusina nila ay nakita ko ang pag ka dismaya na rumehistro sa muka niya ng lumingon siya ay wala na ako sa paningin niya.

Hindi naman ako umalis eh, nag camouflage lang ako ng madikit ako sa pader.

Oo alam ko na kakaiba ako, kakaiba kami ni Alexis.

Ipinaliwanag sa akin ng ama ko ng nawalan ng memorya si Alexis noong bata pa kami, nang marinig niya ang usapan ng magulang niya at tinurukan siya ng chemical na siya ring nalagay sa pagkain ko.

Mutacinogen ( PO4OHC9H11NO2) Ang chemical/substance na ininject kay alexis at na digest ko.
[A/N: gawa gawa ko lang yang chemical/substance na yan kaya ang tawag dapat diyan keme-cal ha ha]

Tska ko na lamang naintindihan ang mga ito ng mag katorse anyos ako at dose anyos si Alexis, at patay na patay siya non kay chloe.

Ayokong mapalapit siya kay chloe non dahil ayokong pati sa puso niya ay makalimutan niya ako.

Nagkaroon ng selective amnesia si Alexis dahil sa direct na pag take niya ng chemical sobrang lakas non at na apektuhan ang utak niya at habang tumatanda mas lalakas ang chemical na yon lalo na kung tataas ang oxytocin namin.

Habang tumatanda kami maapektuhan nito ang mga genes namin at magkakaron ng mutatis mutandis.

A necessary change and it is all because of that chemical.

Chemical na di sadyang natapon ng aking ama ng hatiran ko siya ng niluto naming cake ng aking ina dapat ay sasabayan ko siyang kumain non ngunit nauna akong kumain habang pinipigilan niya ako dahil nga natapunan ng kemikal yon.

Inobserbahan ako ng ama ko at hindi tulad ng nangyari kay alexis ay wala namang masyadong side effects sa akin ang kemikal na iyon.

Indirect kasi ang pag take ko sa chemical na yon.

Ang sakit pala na makalimutan ka ng taong sobrang halaga sayo no?

Mahal niya daw ako ngunit hindi niya maalala kung sino ang mahal niya.

Oo aaminin ko minahal ko na nga siya simula palang ng kami'y bata pa.

Alam ko din na bukod sa hindi na kami normal physically, ay hindi rin normal ang maaring maging relasyon namin dahil pareho kaming babae.

Pero the fact na di kami normal ay hindi ko ikinatakot, mas naka tulong pa nga ito upang mas mahalin ko kung ano ako at kung ano si Alexis.

Habang lumalaki kami lagi lang akong nakasubaybay sakanya,
Nasampal ko siya non nung sabihin niya bakit daw ba ako naiinis sa kanya dahil daw ba crush ko siya?

Oo, ay hindi, mahal ko kasi siya hindi ko pa nga lang pwedeng sabihin dahil gusto kong siya ang maka alala na mahal namin ang isa't isa.

Akala ko nga'y mawawala na ang epekto ng kemikal na ito dahil wala namang ka kaiba na nangyayari sa akin,

Dahil nga siguro hindi ma alala ni Alexis na nag mamahalan kami.

Kaya di siya ma activate.

Sinubukan ko ng mamuhay ng normal, pinilit kalimutan si Alexis at nag mahal ng lalake.

HerSheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon