II.

5.7K 121 1
                                    

Alexis

            I entered this building at Makati where Jaime told me where their studio is.

When I came in I was amazed because of the beauty of their studio, on the outside kasi parang normal na building lang pero sa loob para kang pumasok sa bar.

Tanggalin mo lang yung madaming tables and chairs at bar counter.

May strobe lights kasi then yung wall eh, mirror wall, tapos may pole din akong nakita, nagtuturo din siguro sila ng pole dancing.

Madaming tao may mga I think nasa highschool pa at meron din na ka edaran ko. I'm 17 by the way. Yes, quite young for a 3rd yr college student.

Hinahanap ko si Jaime at ng makita siya ay agad siyang lumapit sakin.

"Hey you came!" Excited niyang bati.

"Of course ilang beses mo kaya akong kinulit pumunta haha" sabi ko.

"Well I'll assure you you'll enjoy this and you'll forget about your bitchy ex" confident niyang sabi.

"Hey watch your mouth" malamig kong sabi.

"Jeez, Chill dude. Joke lang eh halatang mahal mo pa haha" pag bibiro nalang niya kahit kinabahan sa sinabi ko.

"Whatever Jaime" sabi ko nalang.

Tinuro niya sakin yung baggage counter nila, kinuha ko yung towel at water bottle ko at ibinigay na kay kuyang nag aassist dun, nginitian pako ng matamis.

Ew kuya ha di tayo talo mas pogi ako sayo.

Napangiti ako sa nasabi ko sa isip ko, namula si kuya at umiwas ng tingin akala ata niya dahil sa ngiti niya ako napa ngiti.

"Oh bakit natatawa ka?" Sabi ni Jaime ng lumapit nako sa linya niya, mag drills muna kasi bago mag turo ng sayaw. Warm up kumbaga.

"Never mind that, anong genre ngayon?" Sabi ko habang nag simula na yung tugtog hudyat na simula na ng drills.

"Femme dude" sabi niya habang nag go groove.

"Oh okay" sabi ko nalang at nag focus na.

May bumangga sakin kaya napatigil ako sa pag drills.

"Aw" mahina kong sabi lakas kasi ng pag ka bangga niya.

"Sorry" the girl said shyly.

Tumango nalang ako mukang ka crew ni Jaime to inintindi ko nalang dahil baka pagalitan sila dahil kung sino pa mga members sila pa late.

Bumalik nako sa pag drills pero napapansin ko na lumilingon yung babae sakin.

Pero baka inaalala niya lang na galit ako dahil sa malamig kong trato kanina sakanya.

So ayun nag start na mag turo yung resident teacher ( member ng crew nila na mag tuturo/ mag lelead ng sayaw ayon sa genre kung saan siya magaling. Guest teacher naman ang tawag pag inimbitahan nila it's either sikat na dancer o member ng ibang crew )

After ituro ng prod nag groupings na para sa performance later.

I was expecting na sasamahan ako ni Jaime sa grupo pero hindi isa siya sa Marshal.

Madami ang nag a approach sakin para ayain ako na sa grupo nila sumama yung iba hinihila na nga ako eh.

Problema ng mga to?

Nilapitan na ako ni Jaime "woo namukaan ka yata nila haha"

Kinabahan ako at napalunok,
Alam kaya nila?

HerSheWhere stories live. Discover now