IX.

2.9K 80 2
                                    

Jenefer

      Wow Chloe ang husay mo talaga! Sabi ko nalang saking isipan ngunit poker face lang ako sa kanila.

"Yes ma'am may I take your order?" I said casually baka mapagalitan ako ng manager ko eh, customer pa din naman sya.

"Huh? Uh a--apple pie and co--coffee" she said stuttering.

"Is that all ma'am?" Sabi ko ng di sila tinitignan.

"Uh yes" sabi niya at ramdam kong tensionado na siya.

Nag bayad na siya at habang inaasikaso ko ang order niya ay ramdam ko namang nakatitig siya sakin.

"Lexis stroll tayo later I miss you so much" sabi ni Chloe.

"Huh? May gagawin ako eh s--sorry" sabi niya.

Lihim naman akong napangiti.

Teka bakit napangiti ako?

At nang mag angat ako ng tingin upang ibigay ang order niya hindi ko naman alam na nakatitig pa rin pala siya sakin kahit kinakausap siya ni Chloe.

"Here's your order ma'am" sabi ko pero kinabahan naman ako sa mga titig niya.

Iba din talagang tumingin to eh no wonder na patay na patay pa din sa kanya tong kapatid ko.

Hinila ni chloe si lexis sa upuan niya at ako? Eto tuloy lang sa pag serve sa mga customer.

Ewan ko ba bakit di ako mapakali di naman ako ganito sa bf ko pag binibisita niya ako dito sa store.

At nang kumonti na ang tao sa line ko ay napatingin ako sa kinauupuan nila lexis at chloe.

Nag sasalita si chloe at matamis na nginingitian si lexis at kung maka titig dito ay kala mo hinuhubaran niya na sa isip niya ito, biglang hinawakan ni chloe ang kamay ni lexis at sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumingin sa akin si lexis na tila nag aalala.

Iniiwas ko nalang ang tingin ko sa kanila sakto namang may nag order.

Maya - maya pa ay napansin kong tumayo na si lexis at palabas na ng store sumunod din si chloe sa kanya nakita ko na iniharap ni chloe si lexis sa harap niya and...

She kissed lexis...

Tila natulos ako sa aking kinatatayuan.

"Okay na Fer pwede ka na mag out nandito na si joshen" sabi ng manager ko na nakapag pabalik sakin sa realidad.

"Uh s-sige po" sabi ko at nag palit na.

Nagmamadali ako. Wait teka?!

Bakit nag mamadali ako?

"Bakit nga ba?" Sabi ko sa sarili ko at isinara na ang bag ko.

Pag labas ko ay saktong nakasakay na si lexis sa motor niya.

Mukang tapos na ang make out session nila ng kapatid ko.

Dahil nakatitig lang sakanya si Chloe at nakangiti,

Pero poker face lang si lexis at aktong isusuot niya na ang helmet niya ng makita ako agad naman siyang ngumiti,

Ugh that smile!

Sumimangot naman siya at napataas naman ako ng kilay.

Bakit sumimangot siya?

Bakit nadismaya ka? Sabi ng isip ko.

Kaya naman napatigil ako sa pag lalakad nakita naman ako ni Chloe.

HerSheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon