XIII.

2.8K 80 2
                                    

Hisunwantedgirl dedicated sa iyo 'to ayan na ha? wag mo na kong kulitin haha keme salamat sa support labyu!

-----

Alexis

               "Layuan mo ang panganay na anak ni Fernan anak" hindi pahayag yon ngunit isang utos mula sa aking ama.

Inis at pag tataka ang aking nararamdaman ngayon, bakit? Bakit kailangan gawin yon?!

Hindi pa nga kami nagkakasama at nag kakausap ng matino ay lalayuan ko na siya, Hustisya naman!

"Bakit?" Yan lamang ang naiproseso ng aking bibig.

"Basta layuan mo siya at yon ang aking utos" kalmado ngunit puno ng awtoridad na saad ni dad.

What the? Basta? Ganoon na lamang iyon? Ano dad playtime? Trip mo lang? Ano dad sagot!

"Walang sapat na dahilan walang pag sunod na dapat isakatuparan" siraulong bibig iba nanaman ang na sambit.

Aha! Nakuha mo pang tumula! Tuya ng isipan ko.

Tss..

"Ayoko lang na magulo ang buhay mo nicolette" sinserong sabi ng aking ama.

"Ano bang pinag sasasabi mo dad? Anong magulo ang buhay? Bakit isa bang drug lord ang ina nila? Isa ba sila sa nag tago ng buto ni Andres Bonifacio? Isa ba sila sa mga dahilan ng giyera sa Syria?" Inis ko ng saad.

"Hindi pero--" bago pa matapos ng aking ama ang sasabihin niya ay sumingit na ako.

"Hindi naman pala dad eh kaya hindi din ako lalayo sa kanya sa ayaw at sa ayaw niyo tapos ang usapan" sabi ko at tinungo na ang aking silid.

Halos isang linggo na rin akong nakalabas ng hospital after namin mahimatay ni fer ay di ko pa siya ulit nakikita lagi ngang nasa silid ko non si chloe ngunit hindi niya nababanggit ang ate niya.

Ilang araw na rin akong hindi makatulog ng maayos kailangan ko pa namang mag pahinga, pinayagan ako na mag absent for 1week pa dahil sabi ni doctor castrano na kailangan kong mag pahinga.

Hindi ako makatulog dahil sa tuwing payapa na ang aking isip nararamdaman ko naman ang aking buong sistema.

Nararamdaman ko din ang buong paligid, ang hangin na parang may binubulong sa akin, ang apoy/init na sumisilakbo sa tuwing may galit akong nadarama, tubig na ako'y kinakalma at lupa na bawat pag galaw at yanig nito'y dama ko na para bang sa bawat hakbang ko iminumwestra ako nito sa dapat kong kalagyan.

Lahat ata ng elemento ng mundo ay damang dama ko, as in damang dama feeling ko sobrang konektado ko na sa mga elemento ng mundo na para bang pwede na akong ilagay sa periodic table of elements.

Punyemas! Nakaka baliw! Bulalas ko sa aking isipan.

Bumabalik nanaman ba ang sakit ko?

Pero okay na ako huling bisita ko sa tito ni zen ay malusog naman na daw ang aking pag iisip,

Walang anxiety disorder, walang schizophrenia o kung ano mang sakit sa pag iisip.

Napa buntong hininga ako...

Kung ganon ay bakit ako nag kaka ganito?

Baka epekto talaga to ng mga gamot na ipinapainom sa akin.

HerSheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon