Special: KenLine Moments ♥ (Part 3)

6.9K 43 0
                                    

A/N: ano ba lovestory nila dati?? wahaha! Alam ko nagkahiwalay sila eh..chos! sabaw utak ko ngayon para alalahanin mga old updates ko sa story na to..

(Dad ni Pauline first love ng mom ni Ken tapos bestfriend ng mom ni ken ang mom ni Pauline? Bat ngayon ko lang naalala?! tahaha! peste! ang inet ng panahon kasi ngayon.)

Pauline POV

Pagkadala niya sakin dito sa Terrace pinaupo niya ako dun sa bench..Tapos tumabi siya sakin at inakbayan ako.

"Alam mo ba kung gaano kasakit sakin nung nagkahiwalay tayo noon."

Nagulat ako sa sinabi niya..Naalala ko lang ang nakaraan na nakipaghiwalay siya sakin at halos kainin ko ang pride ko hinabol-habol ko parin siya pinilit ko siyang kausapin na magkabalikan kami pero napagod na ako kaya hinayaan ko na siya..

Naisip ko pa noon baka nga hindi kami para sa isa't-isa pero heto ngayon magkasama nanaman kami ngayon may nabubuong pagmamahal nanaman ako para sa kanya at parang sasabog na kung hindi nya ko papakasalan..joke! haha! ang korni lang..

"Kung alam mo lang Pauline na halos madurog na ang puso ko nung nakipaghiwalay ako sayo..kapag nakikita kita noon na umiiyak gusto kitang mayakap ng mahigpit pero hindi ko magawa dahil baka kung patuloy akong lalapit sayo baka masaktan lang tayong pareho ng labis kaya kahit gusto ko na rin makipagbalikan hindi ko nagawa..naduwag ako para ipaglaban kita..i'm sorry."

*PAK!"

OO sinampal ko siya! Letseng pagtatapat naman kasi yan! Bakit ayan pa sinabi niya sakin! Pwede naman syang magpropose! Tse!

Naramdaman ko nalang na tumutulo na yung luha sa mga mata ko.

"Bakit mo sinasabi sakin yang mga yan ngayon ha Ken? Bakit?" Talagang sa birthday ko pa talaga..

"I'm sorry ito lang talaga ang naisip kong paraan para malaman mo lahat kung bakit talaga ako nakipaghiwalay sayo noon."

Kahit gusto kong magsalita nanahimik nalang ako.

"Nung nalaman ni Dad na may girlfriend akong isang Martinez nagalit siya sakin..sa sobrang galit niya nalaman ko nalang na kaya pala siya nagagalit dahil ang lalaking unang minahal ni Mom ay ang Dad mo...at hindi ito nagkatuluyan dahil pinag-arrange marriage sila Dad at Mom ng mga lolo't lola ko...Nung pumunta kaming amerika nangako ako sa sarili ko na ikaw lang ang babaeng pakakasalan ko."

"So kaya ka nakipaglapit sakin ulit at hinayaang maFall inlove ulit ako sayo?"

"Oo..it's one of my plan kapag nakauwi ako dito sa Pinas at kasama doon ang hindi na kita papakawalan pa kung sakaling mahalin mo ulit ako."

Feeling ko namumula na ako dito..kaya di ko sya magawang tignan dahil baka bumigay ako..ansabe? haha!

"Maniwala ka kaya kung sabihin ko sayo na kahit nasa America ako noon ay hindi parin kita nakalimutan? Hanggang ngayon hindi parin nawala yung pagmamahal ko sayo. Mahal na mahal na mahal kita sobra. Ganun kita kamahal Pauline."

Hinawakan niya yung kamay ko tapos iniharap niya yung mukha ko sa kanya..Ilang inches lang ang layo ng mukha niya sakin..

"Nangako ako sa sarili ko na kapag tayo na ulit hinding-hindi na kita pakakawalan pa. Kahit na kelan."

Hinalikan niya ako..Sa una padampi-dampi lang hanggang sa naging real kiss na siya..Habang ako ung dalawang kamay ko nilagay ko sa batok niya..Habang ang isa niyang kamay ay nasa pisngi ko..Napasinghap nalang ako ng maramdaman ko na hinahalikan na niya ako sa pisngi papunta malapit sa isang tenga ko pababa sa leeg ko at lalong napakapit ang isang kamay ko sa kanya dahil ang isang kamay niya ay nakakubkob sa isang dib-dib ko..

"KEN." shet! bakit ang init dito..mahangin naman..

Bigla siyang tumigil at niyakap ako ng mahigpit..

"I'm sorry..Nabigla yata kita."

"It's o-ok Ken." OK? OO okay lang kung hinalikan mo ko!! PERO sana wag naman lumagpas dun!!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

A/N: ansaveeh ng PART 3? tahaha! xDD AYOKO pa ng BED SCENE..chareng!

don't forget to:

> VOTES

> COMMENTS

> BE A FAN

My Bestfriend is soon-to-be My Groom?!Where stories live. Discover now