Chapter 3

17.4K 182 12
                                    

CHAPTER 3

Chloe's POV

Napaupo ako bigla sa kama ng marinig kong nag iingay na 'yung alarm clock ko. Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog pero naalala kong may pasok nga pala ngayon.

"Oh my gosh! Seven na ng umaga!" Nagbanat-banat ako ng buto este nag unat-unat pala.

Matapos kong maligo ng mabilisan at makapag bihis ay bumaba na ako.

"Goodmorning manang Celing!" Nakangiting bati ko kay manang Celing ng madatnan ko siya sa kusina. Si Lola ay umuwi muna sa probinsya noong isang araw, mas makakalanghap daw kasi siya doon ng fresh air kaysa rito.

"Magandang umaga din sa 'yo Nic-nic. Halina nire at ika'y kumaen na." si manang Celing ay laki sa Batangas kaya ganyan siya magsalita. Pero mag wawalong-taon na raw siya rito sa Bulacan.

"Manang naman eh hanggang ngayon nic-nic parin tawag mo sa 'kin." Napanguso ako.

"Eh sa nakasanayan ko na. Kaysa naman klowe ang itawag ko sa iyo, masyado kasi 'yung sosyalen pakinggan." Medyo napatawa pa si Manang. "Ito talagang batang 'to, hay nako. Kumaen ka na nga lang dyan ng almusal at ng ika'y makapasok na."

Ilang araw na ang lumipas. Sabado ngayon at may pasok kami sa isang subject namin para sa araw na 'to. May meeting din daw kami after class sabi nu'ng president namin para daw sa requirements of graduating students. Ilang buwan pa bago kami grumaduate pero nagmamadali na 'yung school namin.

Napangiti ako nang makita ko sa hapag kainan 'yung paborito kong almusal na sunny side up, hotdogs, wheat bread, garlic rice, fresh milk and banana.

"Nic-nic tumawag nga pala kagabi ang mommy mo hindi na kita nagising dahil gabi na rin, ngayun mo pala susunduin 'yung pogi este 'yung lalake na susunduin mo sa airport." Paalala sa akin ni manang Celing.

"Ayy! oo nga po eh. Muntik ko ng makalimutan. After lunch daw po ang pagdating nu'n. Weird nga po eh ayaw sa 'kin sabihin ni mommy kung sino 'yung dadating," sabi ko.

"Ahh ganun ba sige na bilisan mo na at maya ay lumarga ka na." si manang.


[ Sa Airport ]

Isang oras na akong nakaupo dito ah! Kainis naman, ang init init pa naman dito. Buti na lang naka ponytail ang chocolate brown long hair ko. Nagsuot ako ng white tank top with flannel at malakas ang loob kong magsuot ng maong shorts dahil makinis naman ang binti ko. Sabi nga ni manang Celing ang ganda daw ng legs ko kaya 'wag daw ako mahiyang mag short.

Teka lang nasaan na ba 'yung kaibigan ko na si Roxy? Sumama talaga 'yun sa akin dahil wala naman daw siyang gagawin ngayong araw na 'to.

Nakita ko naman agad siya sa tapat ng isang fastfood restaurant dito sa airport. Naka all white outfit kasi kaya kitang-kita ko siya. May kausap siya sa cellphone niya.

"Hoy! Roxy!" Kinalabit ko siya.

"Anak ng sampung tupa!"

Magugulatin talaga 'tong babaeng 'to. Hilig kasi mag kape. Hindi mabubuhay ng walang kape sa umaga, tanghali at hapon.

"Ano na? Wala parin sya friend?" tanong niya.

"Oo eh! Kainis ang tagal!" sabi ko. Kanina pa kasi kami dito at nakakainis dahil may announcement kanina na delayed daw yung flight.

"Oo nga eh! Nakakasira din ng beauty," sabi niya sabay labas ng compact powder niya sa sling bag na dala niya.

"Tara! Punta tayong parking lot du'n muna tayo sa kotse ko mamaya na tayo bumalik dito." Pagyaya ko sa kanya.

My Bestfriend is soon-to-be My Groom?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon