Chapter 2

19.3K 196 25
                                    

Chapter 2

Roxanne's POV

Pasukan na ulit bukas. Ano kaya ang magandang gawin ngayong tanghali? Nabuburyong na ako dito sa bahay. Makapunta nga muna ng mall tutal malapit lang naman iyon dito sa amin, isang sakay tricycle at ng jeep.

Nagbihis lang ako ng simpleng white crop top, jeans, at white sneakers. Sinuklay ko lang ang straight na mahabang buhok ko at naglagay ng isang clip sa kanan. Makinis naman ang balat at mukha ko kaya nag pulbos lang ako at nag lagay ng konting lip and cheek tint.

Hay buhay! Wala ako kasama mag malling ngayon. Busy daw si Chloe kaninang tinawagan ko siya sa telepono nila.

[ Sa Mall ]

Iko't-ikot lang ako dito at nag titingin-tingin ng mga bags and shoes na bibilhin ko sa december. Kaya mag iipon muna ako simula bukas.

Napadaan ako ng department store at nakita kong may sale doon ngayon.

Makabili nga ng kwintas, iyong panglalake! Baka sakaling may mapagbigyan ako nito someday.

May nakita naman akong silver necklace na may letter "P". Simple lang iyon pero ang cute tignan.

"BOO!"

"Ayy! Anak ng sampung tupa!" Nakakagulat ha. Sino naman kaya itong loko na 'to?

Pagtingin ko sa likod ko ay natulala lang ako.

Siya 'yung crush ko since first year high school palang kami si Paulo!

"Anong ginagawa mo dito ha?" Tanong sa akin ni Paulo na nagpabalik sa'kin sa realidad.

"Natural may binibili at namamasyal na rin." Medyo pagsusungit ko sa kanya.

"Ahh ganu'n ba," sabi niya at napatango-tango.

"Hindi! Hindi ganun." Pamimilosopo ko.

"Sungit naman nito," sabi niya at napa-pout pa.

"Problema mo?" Kunwari ay hindi ako naaapektuhan sa pagiging cute niya.

"Wala! Kanino mo ibibigay 'yang kwintas na yan? Sakin ano?" Napangiti naman siya ng pagkalawak-lawak.

"Hindi 'no!" Pagkakaila ko.

"Eh kanino mo ibibigay 'yan. Eh ako lang naman ang may pangalan na nagsisimula sa letter P sa classroom natin ah." sabi niya habang nag iisip siguro kung sino pa sa kaklase namin ang may letter P na apelyido.

"Hindi nga sa 'yo 'to! k-kay. Patrick ko 'to ibibigay," sabi ko nalang sabay irap sa kanya. Si Patrick 'yong ka-batch namin, sa section two. Habang kami naman ay nasa section 1 mula first year.

"Ahh ganu'n ba, akala ko gift mo sa 'kin sa birthday ko two weeks from now."

Napatingin ako sa kanya at nakita kong parang nalungkot siya. Nagdadrama lang 'yan sa 'kin. Huwag kang papaapekto sa karisma niya, Roxanne. Magising ka sa katotohanan na chickboy 'yan.

"Uy! 'Wag ka na magdrama dyan. Tara kain tayo?" sabi ko nalang. Hindi ko alam kung bakit ko siya biglang niyayang kumain. Bahala na!

Bigla namang sumigla ang mukha niya sa sinabi ko! Ang pogi talaga ni Paulo. Kung hindi lang maraming nang lalandi sa kanya baka noon pa man ay nag tapat na ako at binakuran siya.

"Sige tara! trea-"

"TREAT MO!" Pinutol ko na ang sasabihin niya habang nakataas ang isang kilay ko at nginitian ko siya ng pilya.

"Of course, treat ko naman talaga iyon."


Paulo's POV

My Bestfriend is soon-to-be My Groom?!Where stories live. Discover now