Chapter 16.2

8.7K 50 6
                                    

A/N: korni ko magbigay ng pangalan pag sa parents eh noh? Darwin and Janela (parents of chloe nicole) and Arthuro and Florenda (parents of nathaniel james)...grabe! Arthuro at Florenda ba talaga name ng parents ni Nathan?? wahaha!! ako author tapos nakalimutan ko...pasensya naman naging busy kasi ako at marami akong iniisip...anyway start na ako sa update ng chapter 16.2 ^_____^

MASYADONG MAKATA ITONG CHAPTER NA TO DAHIL TAGALOG NA TAGALOG !! BWAHAHAHA !! KUHA NALANG KAYO NG PILIPINO-PILIPINO DICTIONARY !! JOKE !! V^_______^V

====================================================================

 CHAPTER 16.2

3rd Person POV

SA SALA.............

"Kami namang mag-asawa ay hindi kunsintidor na magulang Pareng Darwin. Alam mo naman yan hindi ba?" malumanay na wika ni Arthuro na kahawak-kamay nito ang asawa na si Florenda (parents ni Nathan)

Ang totoo nyan natetensyon na si Florenda dahil nararamdaman nito na hindi kagandahan ang sitwasyon nasusuungan ng anak na binata.

"Alam ko yan Pareng Arthuro. Kaya nga nang matuklasan ko na may milagro pa lang ginagawaang mga ito ay agad kitang tinawagan. Gayundin ay pinilit kong huwag saktan ang anak mo kahit pa kumukulo ang dugo ko sa galit." wika ni Darwin (Father ni Chloe)

"Naiintindihan kita Pareng Darwin. Ganoon naman talaga ang magulang. At bilang magulang, ako na ang nagbibigay sayo ng kasiguraduhan na hindi tatakbuhan ni Nathaniel ang pananagutan nya kay Chloe. Anyway, magkaibigan naman ang pamilya natin. Magkasabay na lumaki ang mga bata. Sige, itakda natin ang petsa ng kasal." wika ni Arthuro.

"H-hindi! H-huwag po!" hindi napigilang bigkas ni Chloe.

"manahimik ka Chloe Nicole! Huwag kang makialam sa usapan namin!" nagbabanta ang mga tinig at titig ni Darwin sa anak.

Kinagat na lamang ni Chloe ang pang ibabang labi at bahagyang napayuko upang iwasan ang makapangyarihang titig ng ama.

Pero sa isip nya sana naman ay magprotesta rin si Nathan sa nagaganap na kalokohang ito.

Alam nila pareho ni Nathan na wala talagang nangyari na milagro sa kanilang dalawa.

Pero ewan ni Chloe kung likas na takot sa mga magulang, o sa papa niya ito mas takot, dahil nananatili lang itong nakayuko at ni gaputok man ay wala itong sinabi.

Hanggang natapos ang usapan na yon, naitakda ang araw ng kasal, ang mga iba pang detalye sa pag-aayos na niyon.

My Bestfriend is soon-to-be My Groom?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon