Chapter 4

15.8K 135 8
                                    

CHAPTER 4

Chloe's POV

Maganda ang gising ko ngayong araw na 'to. Nakapasok din ako sa school ng maaga. May ilang minuto pa bago mag simula ang klase namin. Iyon kasi ang patakaran sa school na 'to kailangan before sixth thirty in the morning ay nasa classroom na kami lahat.

"Ay anak ng butiki!" Nakakagulat naman! Bigla kasing nanghahatak ng bag. Nahawa na ko kay Roxy dahil sa mga words niya na 'yan kapag nagugulat sya. Pero anak ng tupa talaga ang madalas niyang masabi.

Siguro sa ibang tao maiisip na parang ang cheap namin dahil sa mga choices of words namin. Mahirap kasi kapag nakasanayan na, kaya pasensyahan nalang. Saka inilulugar naman namin minsan ang pagsasalita ng ganu'ng bagay.

"Ang laki ko naman para maging anak ng butiki," sabi ni Roxy at kinawit ang kamay niya sa braso ko saka sumabay sa paglalakad.

"Bakit ka ba kasi nanggugulat?" Kainis 'to ang aga-aga may ganang manghatak ng bag! Pasalamat ka Roxy kaibigan kita.

"Eh kase... Ano... Uhm... Basta halika na sa room." Hindi niya matuloy-tuloy ang gusto niyang sabihin. Ano kaya sasabihin nito?

"Teka! 'Wag ka masyado magmadali madadapa tayo niyan eh." May bagpack kasi akong pink saka dalawang makapal libro na hawak sa kaliwang kamay ko. For history and the other one is science book. You know? Kailangan mag aral ng mabuti para sa magiging future ko.

Nandito na kami sa tapat ng room. Napansin ko naman na nagkumpulan 'yong mga girls at ang mga mata nila ay kumikinang, 'yong iba kulang nalang mag heart shaped ng literal ang mga mata nila.

'Yung mga boys naman poker face lang, 'yung iba walang pakielam at 'yung iba natutulog.

Bakit kaya? Anong meron?

"Chloe Nicole! May new classmate tayo. Ang pogi talaga friend! Kilala mo s'ya!" Kinikilig na sabi ni Roxy.

Grabe kiligin 'tong kaibigan ko. Makapasok na nga sa classroom. "Tara na Roxy pasok na tayo." So what kung may new classmate kami? Kilala ko daw?

Sa bandang likuran ang upuan namin ni Roxy kaya 'di ko pinansin kung sino man yung bago naming classmate! Sungit ko yata ngayon ah.

Sa kaliwa ko nakaupo si Paulo at sa tabi niya doon naman nakaupo si Roxy.

But wait! Ang alam ko walang nakaupo sa kanan ko? Dahil bakante na talaga 'to. Kanino 'tong bag na nandito?

"Hi I'm Jessica! And my friends Janine, Janna, Janelle & Jacquelyn." Ngiting-ngiti na pagpapakilala ni Jessica. Akala mo naman talaga mabait. Eh kilalang-kilala sila sa buong school na grupo ng maaarte at matataray.

"Oh! Nice to meet you ladies. I'm Nathaniel."

Mapapalingon sana ako kung saan nagmula ang boses na 'yon. Kaso tinapik ako ni Roxy sa braso.

"Oh my gosh! Friend, he smiled! He's so handsome talaga!" si Roxy yan na parang hindi alintana na nasa gitna namin si Paulo na nakapoker face lang.

"Tumahimik ka nga dyan, Roxy!" saway ko sa kaibigan ko at napaayos naman siya ng upo ng mapansin niyang hindi na maipinta ang mukha ni Paulo. Smells fishy talaga sa dalawang 'to simula ng mag start ang klase namin this year!

Nakatalikod ako kaya hindi ko pa nakikita 'yung bago.

"Hi Nicole!" bati sakin nung lalake na nakalapit na pala sa 'kin at hindi lang iyon dahil umupo pa siya sa tabi ko. Teka! Parang may ka-boses talaga s'ya.

"Nathan! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Syempre dito na 'ko mag-aaral alangan naman ako teacher nyo." Pamimilosopo niya sa 'kin pero ngumiti siya ng pagkatamis-tamis kaya hindi ko siya nakotongan sa ulo. Napansin ko naman 'yung grupo nila Jessica, ang sama na ng tingin nila sa 'kin pero hinayaan ko lang.

My Bestfriend is soon-to-be My Groom?!Where stories live. Discover now