Chapter 19.2

9.3K 75 5
                                    

A/N: sorry ngayon lang ulit nakapag-UD..inaatake ng katamaran eh..hahaha! LOL! mahiksi lang naman to halatang di masyado pinag-isipan..haha!

=================================

Habang nasa sasakyan nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. Pabalik na kami ngayon ng Maynila.

"Bakit wala kang kibo? Hindi pa man ay nami-miss mo na ang parents mo?"-Nathan

"H-ha? Ah..medyo." bahagya ko lang siyang nilingon.

"Don't worry pag uwi ko next week ay isasabay na uli kita para hindi ka mahirapan sa pagbiyahe."

"H-ha? Naku! baka naman maabala ka."

"Ano ka ba? Talaga naman uuwi din ako next week dahil nagyayaya nga si Loisa sa amin, hindi ba?"

"Ah oo nga pala."

End of our conversation naging tahimik na ulit kami habang bumibiyahe. Malapit na sana kami sa diversion road nang pumatak ang maliliit na butil ng ulan.

"Naku, mukhang malakas ang ulan na ito ah! Gabi pa naman ang biyahe natin." Lumalakas na ang ulan..

"Mag-ingat kana lang sa pagda-drive mo Nathan. Baka madisgrasya pa tayo sa daan."

Pero talagang bumuhos na ng malakas ang ulan. Halos hindi na rin maaninag ang dahil sa nanlalabo na ang salamin. Hindi na rin makaya ng wiper ang tubig na tumatama sa salamin.

"We have to stop here."-siya .. itinabi na niya ang sasakyan sa gilid ng daan na kahilera ng iba pang motorista na takot ding madisgrasyada.

"S-sige mabuti pa nga ay huminto muna tayo rito." Shock! Bakit parang kinakabahan ako..kanina pa ako nauutal ah..

Dito sa loob ng sasakyan kung saan nakabukas ang car-stereo na pinagmumulan ng malamlam na liwanag na sapat lang para mabanaag namin ang isa't-isa. Dati namang nasasakay ako sa kotseng nakabukas ang car-stereo pero sa pagkakataong ito ay iba ang dating sakin nyon.

Lalo pa at mas malamig sa loob ng sasakyan dahil sa bukas na aircon, idagdag pa ang malakas na ulan sa labas. Parang nakikisali ang maingay na tunog ng ulan sa malakas na pagtibok ng puso ko?! Shet! Nakatitig ba siya sa akin??

"Nathan!" nakatitig nga!

"Why?" tinanung pa ko pero di naman nagbawi ng tingin..psh!

"B-bakit?"

"bakit ano?"

"B-bakit ka nakatitig sakin?"

"Wala lang..naisip ko lang kasi, ano kaya kung huwag ng matapos ang sandaling ito."

My Bestfriend is soon-to-be My Groom?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon