Ikasiyam na Kabanata

160 8 3
                                    

“Ang saya ko ngayon, alam mo ba, Camille?” Sabi ni Mike habang naglalakad kasabay si Camille, “Kasi, hindi na galit sa akin ang isang sa mga taong importante sa akin.”

“Naku, tigilan mo na ‘yan, Mike.” Pigil naman ni Camille at biglang ngumiti, “Masaya na rin ako kasi parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.”

“Pero, Camille. Hindi mo sinagot ‘yung tanong ko kanina.”

“Ang alin?” Napatigil naman ang dalaga at pilit inalala ang tanong nito. Medyo marami na rin kasi silang napagkwentuhan mula noong umalis sila sa hotel.

“Sabi ko, may pagkakataon pa ba akong ipakita na mahal kita?” Hinawakan ni Mike ang kamay ng dalaga ngunit na lamang itong hinawi ng huli.

“Gusto mo talaga malaman ang sagot sa tanong mo, Mike?” Napayuko na lamang ang dalaga habang iniisip ang susunod na hakbang. Hindi niya alam kung anong pwedeng mangyari.

“Yes.” Diretsong sagot ni Mike, “Gusto ko lang malaman kung sino ang pipiliin mo sa amin ni Angelo.”

“Pipiliin?” Nagulat si Camille sa tinuran ni Mike, “Hindi naman dapat akong mamili, Mike.”

Biglang napatahimik ang binata ng sinabi ito ng dalaga, “Marami ka namang pagkakataon para ipakitang mahal mo ako pero Mike, mula noong nawala ka, nakahanap ako ng tunay na kukumpleto sa akin. Kahit ilang buwan pa lang kami ni Angelo, hindi ko alam pero, may naramdaman akong kakaiba. Sorry, Mike, but I just can’t resist what I really feel.” Dugtong ng dalaga.

Hindi makapagsalita si Mike. Alam niya sa sarili niyang nasasaktan siya sa mga sinabi ni Camille. Matagal siyang naghintay para sa pagkakataong iyon, pinilit niyang gumaling para sa dalagang alam niyang minahal niyang lubos, sinubukan niyang gawing matatag ang relasyong mayroon sila, ngunit ang lahat ng iyon ay masasayang lang pala.

“Alam mo ba kung bakit madali kitang napatawad, Mike?” Tanong ni Camille at nagsimulang maglakad muli. Sumunod naman ang binata sa kanya.

“Dahil kay Angelo.” Dugtong naman nito.

“Bakit naman?” Balik na tanong ng binata kahit alam niya sa sarili niyang kinakaya niya na lamang ang lahat ng naririnig niya. Napapaisip na rin siya kung ano ang pwede niyang gawin para mabago ang isip ng dating kasintahan.

“There’s no use of hating you. Na-realize ko na, hindi na pala talaga ako galit sa’yo. I just remembered Angelo. Mahal ko talaga ang mokong na ‘yun so pointless kung magagalit pa ako sa’yo. Kung patuloy akong magagalit sa’yo baka isipin ng ibang taong may pagtingin pa ako sa’yo.” Sabi ng dalaga, “Honestly speaking, mahal pa kita Mike.”

Bigla na lamang namilog ang mata ni Mike ng marinig ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Camille. Parang biglang may fireworks ang naglaro sa dibdib niya at kaagad niyakap ang dalaga.

“Pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Angelo.” Bulong ng dalaga na halatang nagulat sa ginawa ng binata, “Malabo na sigurong maibalik natin ‘yung dating tayo, Mike. May mahal na akong iba. Alam kong napakalaki ng ginawa mo para sa akin pero...”

Unti-unting pinakawalan ni Mike ang yakap kay Camille.

“Naiintindihan ko, Camille.” Sabi niya sa isang mahinahong tono, “Kasalanan ko rin naman kung bakit nasayang ‘yun.”

“Alam mo ba dati, sa tuwing maaalala kita, I kept on crying as if the world turned into nothing for me. Lagi ko sinasabi sa sarili kong hindi na ako magmamahal ulit. Hindi na ulit ako masasaktan. Sabi ko pa nga noon magmamadre na lang ako.” Then she smiled, “Not only when Angelo came into the scene. Ewan ko ba.”  Pagpapatuloy nito.

A Twisted Fate [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now