Ikalimang Kabanata

131 14 10
                                    

            Hindi malaman ni Camille kung ano ang tamang gawin. Pagsapit nila sa Condo, wala ang kapatid ni Angelo. Marahil ay nasa trabaho ang kanyang kapatid, ang sabi ni Camille sa kanyang sarili. “Sa kabilang kwarto…” Bulong ni Angelo na inaalalayan na lamang ni Camille upang makalakad.

            “Hibang ka na ba? Hindi diyan ang unit ng ate mo, dito.” Bago pa man siya magpatuloy sa pagsasalita, isang susi ang iniabot ng binata kay Camille.

            “That’s my unit.” Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Camille. Kaagad niyang binuksan ang pinto ng kwarto at pumasok habang inaalalayan ang binata. Hindi mapag-a-akalang kwarto iyon ng isang lalaki sapagkat napakalinis nito.

            “Dito ka muna sa kama, kukuha lang ako ng maligamgam na tubig.” Ika ni Camille pero laking gulat niya ng biglang pumulupot sa kanyang katawan ang isang braso ni Angelo.

“’Wag mo akong iwanan, please?” Bulong nito sa dalaga.

Dali-dali namang pumiglas si Camille. “Pasalamat ka may sakit ka.” Banta nito pero nang makita niya ang binata sa kalagayan nito, bigla na lamang lumambot ang puso nito. Umalis ang dalaga at sinubukang sumilip sa labas upang wariin kung naroon na ang kapatid ni Angelo, ngunit wala pa rin ito. Kaya naman napilitan siyang asikasuhin ang binata at bantayan ito habang hindi pa lubusang bumababa ang kanyang lagnat. Ilang oras din ang ginugol niya sa pagpapahid ng maligamgam na tubig sa katawan ng binata. Bagama’t naiilang siya, unti-unti niyang tinanggal ang suot na pang-itaas ng binata upang maalwanan ito.

            “Marahil ay over-fatigue ito. Huwag mo kasi masyadong pilitin at abusuhin ang katawan mo. Kailangan mo rin matulog at magpahinga minsan.” Sabi ni Camille kahit alam niyang hangin lang ang kinakausap niya, “Sa susunod mag-iingat ka. Ingatan mo ang kalusugan mo lalo’t matagal na panahon mo itong pinaghirapan.” Patuloy na banggit niya.

            “Ma-mahal na m-mahal kita… F-Camille.” Napatigil si Camille sa kanyang ginagawa. Sa pagkakataong iyon, tila binuhusan siya muli ng isang timba ng yelo. Kahit na itinatanggi ng isipan niya, pinipilit siya ng puso niya na tanggapin ang katotohanan na ang lahat ng tinuturan sa kanya ng binata ay pawang totoo.

            “I-Ipagluluto na lamang kita ng lugaw.” Umiwas si Camille sa kakaibang pakiramdam sa kwarto noong panahong iyon. Ganoon na lamang ang buntong-hininga ni Camille nang makalabas sa silid. Dumiretso agad siya sa kusina at inihanda ang mga sangkap na gagamitin niya para sa lugaw na ihahain niya.

            “Bakit ba kasi wala pa ang kapatid ng mokong na ito? Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko? Kapag tumagal pa ito… Ay naku naman!” Halos mabaliw na si Camille sa kakaisip niya, hindi sa kalagayan ni Angelo, kundi sa kakaibang bagay na nararamdaman niya para sa binata. “Asan na ba kasi ‘yung asin?!” Sa kaiisip niya ng kaiisip, bigla na lamang siyang nawalan ng balanse habang inaabot ang lagayan ng asin. Laking gulat niya ng may mga bisig na sumalo sa kanya. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata at nabigla nang makita si Angelo.

            “Sa susunod, mag-iingat ka.” Sabi ni Angelo alinsabay ng dagliang pagtayo ni Camille mula sa kanyang mga bisig.

            “Bakit ka biglang tumayo? Hindi ka pa masyadong maayos ha?!” Sabi naman ni Camille at hinipo ang noo ng binata, “Dapat magpahinga ka na lang muna sa kwarto mo.”

            “May pag-asa ba akong mahalin mo?” Diretsong tanong ni Angelo sa dalaga.

            “A-Angelo…”

            “Sagutin mo naman ako please? May pag-asa ba ako?”

            “Ah… eh… ano eh… magluluto pa ako ng lugaw, bumalik ka na lang sa kwarto mo.”

A Twisted Fate [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now