Ikawalong Kabanata

116 8 3
                                    

Bakit ka bumalik?” Tanong ni Camille sa mahinahong tono ngunit hindi niya magawang titigan ang dating kasintahan.

“Bumalik ako para sa’yo.” Matipid na sagot ni Mike.

“Gago ka rin eh ‘no?” Biglang sabi ni Camille, “Bumalik ka para sa akin? Para ano? Guluhin ako? Saktan at iwanan ako? Hindi mo ba alam na okay na ako sa buhay ko ngayon?”

“Camille, hindi ko naman talaga intensyon na iwanan ka. May mga bagay lang talaga na mahirap i-explain.” Sagot naman ni Mike.

“Mahirap i-explain?! Mike, nagmamahalan tayo noon! Alam mo namang maiintindihan ko lahat ng bagay eh. Matatag na ‘yun relasyon natin sa buong tatlong taon na magkasama tayo. Anong naging dahilan mo at mas pinili mo akong iwanan?” Pigil na pigil ni Camille ang kanyang luha sa pagbagsak, “Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin ang pagkawala mo?”

“Camille, I am so sorry.” Turan ng binata.

“Sorry? Sorry? Wala na. Nagawa mo na, Mike. Nakalimot na ako pero ang hindi ko alam, bakit noong nakita kita, bigla na lang umusbong muli ang galit ko sa’yo? Sana hindi ka na lang nagpakita muli.” Bigkas ni Camille.

“I have a cancer.” Biglang napatahimik si Camille at napatingin kay Mike, “I was diagnosed for having a colon cancer.”

“Ano?! Bakit hindi mo sa akin sinabi?” Gulat na tanong ni Camille kay Mike.

“The doctor told me to medicate as early as possible habang hindi pa lumalala. Natakot ako. Naisip kong napakabata ko pa para mag-suffer sa bagay na ‘yun. Naisip ko ring may taong naghihintay at umaasa sa akin. Naisip kita. Ayaw kong mawala ako sa tabi mo ng panghabambuhay. So, I decided to leave.” Biglang tumayo mula sa kama si Mike, “Gusto kong gumaling. ‘yun ang naisip kong gawin para mapahaba ang panahon na makakasama kita.”

“Pero bakit hindi mo nga sa akin sinabi kaagad?! Alam mo naman na masasaktan ako ‘di ba?!!” Hindi namalayan ni Camille na unti-unti ng tumataas ang kanyang boses.

“I have to take the risk, Camille. I have to!” Sagot naman ng binata, “Hindi ko gustong mag-alala ka sa akin dahil hindi ko rin naman sigurado kung makakauwi ako ng buhay at magaling dito sa Pilipinas. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging outcome ng operasyon kaya hindi ko sinabi sa’yo. It’s for your sake, Camille. Sana maintindihan mo.” Pagpapatuloy nito.

“Hindi totoo ang sinasabi mo, Mike.” Pagtanggi ni Camille, “Hindi ako maniniwala sa’yo. Tigilan na natin ang  paglalaro, Mike. Please, lubayan mo na ako.

“Alam kong hindi ka maniniwala.” May kinuha si Mike mula sa kanyang dala-dalang bag at iniabot ito kay Camille, “Kaya dinala ko ito para malaman mong hindi ako nagsisinungaling.”

“Para saan ang camera na ito?” Pagtatakang tanong ni Camille.

“Turn it on and try to watch the clips.” Sabi ni Mike habang umuupo sa kama, sa direksyong nakalikod kay Camille.

Kahit nag-aalangan, p-ni-lay pa rin ni Camille ang video.

“Ayan, naka-on na.” Sabi ni Mike habang kinukuhanan ng video ang sarili, “Hi, Camille. Mahal na mahal kita. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa’yo huh?! Ayokong masaktan kita eh. Gagawa ako ng compilation ng video para kung sakaling hindi maging successful ang operation ko sa America, malalaman mo pa ring ikaw lang iniisip ko hanggang sa huling oras ko sa mundo. Pero syempre, hindi mangyayari ‘yun, gusto kong makasama ka hanggang sa pinakamatagal na panahon na pwede kong ilagi sa mundo. Natatakot nga ako eh. I really prayed for my health kasi marami pa akong pangarap para sa ating dalawa. Ikakasal pa tayo, mag-kakaanak, bubuo pa tayo ng isang basketball team ‘di ba?”

A Twisted Fate [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now