Ikasampung Kabanata

198 12 8
                                    

A/N: HAHAHAH. Last chapter ka na. Salamat sa pagbasa ha. Andami kong kaartihan sa mga Author's Note ko no? Hahaha. Sana nakatulong. Sana rin nagandahan ka sa takbo ng story. Enjoy this last part. Thank you!!! May PS ako sa dulo. Syempre dapat may quotation din ito. HAHAHAHA. Thank you!

 “Ibig sabihin, Ate, nakakita ka na naman ng boylalu mo doon? Tapos bumalik si Kuya Mike at ginulo ang magandang love story niyo?” Sabi ni Steph habang kumakain ng popcorn at nanunuod ng tv.

Ilang araw na rin ang nakakalipas noong huling magkita sina Angelo at Camille. Naisagawa naman ng maayos ang fashion show at nabigyan sila ng malaking sweldo ng kompanya. Balik Makati na rin si Camille ngunit labis niyang ikinalungkot ang nangyari sa kanilang huling araw.

Nanatili namang hindi umiimik si Camille. Nakamasid siya sa cellphone niya kung mag-ri-ring o hindi. Hinihintay niya ang text o tawag ni Angelo kung ayos na ba ito. Ilang araw niya na rin itong ginagawa.

“Ate, hindi magtetext ‘yon, pustahan.” Panunukso ng kapatid, “Ako sa’yo, aayusin ko muna ang sarili ko tapos lalabas muna ako. Or mag-fo-cus sa trabaho ko.”

“Eh kasi naman, Steph. Bakit kasi ganito?” Napabuntong-hininga na lamang si Camille.

“Ate, sa kwento mo, hindi ko rin masisisi ‘yang Angelo mo.” Sabi ng kapatid niya.

“Eh s’ya nga tong nakikipag-flirt sa iba eh.”

“Medyo timang ka rin ate ‘no? Kaya ka iniiwan eh.” Bigla namang binatukan ni Camille ang kapatid.

“Aray ha!” Reklamo nito saka ginulo ang buhok ng kanyang ate.

“Kung ako si Kuya Angelo, malamang, ginawa ko rin ‘yun. Masakit para sa kanya ‘yun lalo na kung mahal ka talaga noong tao.”

What had Steph said makes sense. “Siguro, kung mahal niya nga ako, babalik siya, at lilinawin ang mga bagay na nangyari.” Sabi ni Camille.

“Anak, alam mo, tama ka d’yan. ‘Wag mo muna sigurong madaliin.” Nagulat ang magkapatid ng nalamang nakikinig pala ang kanilang ina sa kanilang pag-uusap.

Napabuntong hininga naman si Steph at tumayo upang kumuha ng tubig sa refrigerator.

“Ate, tigilan mo na ang kamumukmok mo. Pareho naman kayong mali eh.” Sabi nito. “Ikaw, alam mong may boyfriend ka, nakipagyakapan at nagpahalik ka sa noo sa dati mong boyfie, eh talagang magseselos ‘yun kung nakita ka nun. Ito namang boyfriend mo, hindi man lang inalam ang reason.”

Napakamot naman ng noo si Camille. Sa pagkakataong ito, natatakot na siyang iwanan siya bigla ni Angelo. Sobrang mahal niya ang binata kaya naman labis ang kanyang pagtitiwalang babalik ito.

“Eh anong gagawin ko? Hindi ko alam. Dapat nga gumagawa rin siya ng paraan para puntahan ako eh.” Katwiran niya.

“Alam mo, Ate? Ewan ko sa’yo. Bahala ka na nga diyan.” Sabi ni Steph at saka pumunta sa kwarto nito.

“Maaayos niyo rin yan, Camille. Don’t worry.” Turan ng kanyang ina habang lumalapit papunta sa kanya. Nang hawakan nito ang likod niya, hindi na napigilan ni Camille ang umiyak.

“Sana nga po, ‘Ma. Ayokong maulit ‘yung dati.”

“’Wag kang mag-alala. Sa kwento mo sa akin tungkol d’yan sa sinasabi mong lalaki, alam kong babalikan ka niya.” Nakangiting sabi nito, “Dapat nga magtampo ako sa’yo kasi hindi mo man lang ako sinabihan na may nanliligaw na sa’yo, mali pala, may boyfriend ka na.”

Bigla namang napangiti si Camille, “Sorry na, ‘Ma. Sasabihin ko rin naman kaso naunahan mo ako eh.”

“Pero, ‘Ma, sigurado akong magugustuhan mo rin siya. Mabait at maalagain. Sana makilala mo siya. ‘Yun eh kung balak niya pang magpakita sa akin...” Sabi niya sa malungkot na tono.

A Twisted Fate [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now