Ikaapat na Kabanata

165 14 9
                                    

“PERO hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi, Mars.” Sabi ni Camille habang magkasama sila ni Ella na nakaupo sa bench. Lumipas na naman ang isang araw ng kapaguran mula sa site.

“At bakit naman, aber?! Sobrang swerte nga natin at nagawa nating ma-convince ang direktor na ma-extend ang contract through our efforts.” Napansin naman kaagad ni Ella ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Camille, “Ah. Alam ko na! Si Angelo, ano?!”

“Paano naman kasi…” Hindi na naipagpatuloy ni Camille ang sasabihin niya ng makita niyang papunta si Angelo sa kung saan sila naroon, “T-teka, Mars. Tara na. Medyo sumama ‘yung pakiramdam ko.” Dali-dali siyang tumayo at hinila ang kaibigan ngunit huli na ang lahat. Nakita na lamang ni Camille ang sarili habang hawak-hawak ni Angelo ang kanyang mga kamay.

“Don’t you ever dare to stay away from me.” Sabi ng binata at tinignan si Camille sa kanyang mga mata. Naramdaman ni Ella ang kanyang dapat gawin noong mga panahon na iyon.

“Maiwan ko po muna kayong dalawa.” Tugon ni Ella sa dalawa na tila binuhusan naman ng isang katutak na yelo at tuluyan ng umalis.

“Ano bang kailangan mo?” Naiiritang tanong ni Camille.

“Ikaw.” Kitang-kita ni Camille ang sinseridad sa mga mata ng binata kaya bigla namang nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

“A-anong… ako?!”

“Kung iiwasan mo ako dahil sa sinabi ko kanina sa park, huwag mo ng subukan dahil papahirapan mo lang ang sarili mo.”

“Ano bang pakialam mo?! Kaano-ano ba kita?!”

Napatahimik si Angelo sa sinabi ni Camille pero mas lalong ikinagulat ng dalaga ang ibinalik nitong tanong, “Si Mike… mahal mo pa ba siya hanggang ngayon?!”

“P-p-paanong napasok si Mike sa usapan nating dalawa?”

“Sagutin mo lang ang tanong ko, please?”

“Bigyan mo ako ng sapat na dahilan kung bakit kita dapat sagutin?”

“Please.”

“Hindi ko sasagutin ang tanong mo hangga’t walang--" Ipagpapatuloy pa sana ni Camille ang sasabihin ngunit naramdaman niya ang mga kamay ni Angelo sa kanyang tagiliran na hinihila siya palapit sa kanya. Sa isang iglap, naramdaman niyang magkadikit na ang kanilang mga katawan at dahan-dahang hinagkan ni Angelo ang mga labi niya. Isang halik ang dagliang ibinigay ni Angelo kay Camille. Gusto mang umalpas ng katawan ni Camille sa bisig ng binata, hindi naman magawa ng kanyang utak. Tila tumigil ang daigdig ni Camille sa mga panahong iyon. Nakaramdam siya ng kakaibang boltahe ng kuryente sa katawan niya kaya’t tila nadismaya ito ng biglang inalis ni Angelo ang kanyang mga labi. Alinsabay nito ay ang pagbalik ni Camille sa kanyang pag-iisip.

“Sapat na ba iyong dahilan, Camille?” Tanong ng binata ngunit laking gulat nito ng bigla na lamang lumipad ang mga palad ng dalaga sa kanyang kanang pisngi.

“Bastos!! Bakit mo ginawa ‘yun ha?! Bakit?!” Galit na tanong ni Camille.

“Sagutin mo muna ang una kong itinanong, mahal mo pa ba si Mike?” Sa kabila ng malakas na sampal ni Camille, mahinahon pa rin ang tinig ni Angelo habang nakawak ang kanyang kanang kamay sa kanyang pisngi.

Iniwas ni Camille ang tingin sa binata, “Sige, sasagutin kita. Simula noong nangyari ang scenario doon sa tulay, unti-unti ng natutunan ng isip at puso kong kalimutan si Mike.”

Bigla na lamang napangiti si Angelo at umupo sa bench, “If someone kisses you, it means there’s something in that person that unexplainable, something like a thing that makes him care for you.” Biglang napatingin si Camille kay Angelo ngunit sa pagkakataong iyon, hindi na ito nakatingin sa kanya. Nakatalikod ang binata sa kanya habang nakaupo sa bench. Maigi niya itong pinakinggan at tila nanigas ang buo niyang katawan sa mga inilahad ng binata.

A Twisted Fate [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon