Ikapitong Kabanata

114 10 3
                                    

Mabilis lumipas ang araw pero hindi napanatag ang kalooban ni Camille mula noong nangyari ang insidente na yaon sa kanyang buhay. Tumatak sa kanyang isipan ang mga salitang binitawan ng dating kasintahan. Ilang araw na lang din ay matatapos na ang kontrata ng restaurant nila sa pagseserve sa modelling show dahil malapit na ang grand show na isa rin sa kinatatakutan niya. Naisip niya kasing maaaring maging limitado na ang bawat galaw nila ni Angelo, lalo’t higit kung makalayo na sila. Dahil sa sari-saring bagay na kanyang iniisip, may mga bagay siyang nakalimutang bigyang-pansin.

“Kanina ka pa yata walang imik, Babe?” Sambit ni Angelo habang naghihintay sa pagsalang niya sa rehearsal at tinitigan ang kasintahan.

“Huh? Wala ‘yun. May naalala lang ako bigla.” Pagdadahilan ni Camille.

“Ano ‘yun? Is it something important? Parang may kakaiba na sa’yo lately.” Iniwas ng binata ang tingin niya sa kasintahan habang sinasabi ang mga bagay na napapansin niya nitong mga nagdaang araw.

“Wala namang nagbago sa akin, Babe. May iniisip lang ako.” Sagot naman ni Camille habang hinihimas ang likod ng binata, “Pawis ka na, Babe. Palitan mo na kaya ‘yan?” Tanong ng babae upang hindi lumawak ang usapan nila tungkol sa tanong ni Angelo.

“Hindi pwede, ito ang gagamitin ko sa susunod na pagsalang ko. Wait, ano ba ‘yung iniisip mo?” Muling tanong ng binata.

Napabuntong hininga naman ang dalaga at walang nagawa kung hindi ang umamin sa kanyang kasintahan, “Si Mike.”

Tila may kakaibang hangin ang nagdala ng katahimikan sa pagitan ng dalawa, “Ah... si Mike pala.” Bulong ni Angelo at napilitang ngumiti, “So, what’s with him? Bakit siya ang laman ng isip mo?”

“Don’t take me wrong, Babe. Noong gabing sinagot kita, pagbalik ko sa kwarto, nandun siya, kasama si Ella.” Isa-isang ikinuwento ni Camille ang mga nangyari ngunit sa buong pagkakataong iyon, kakaiba ang naging tema ni Angelo.

“Get to the point, Camille. He’s begging you to come back to him? Ganon?”

“Hindi naman sa ganun, Babe...”

“Tapos ngayon, iniisip mo kung papayag ka o hindi sa alok niya?! Ganun ba, Camille?” Unti-unting tumataas ang boses ni Angelo.

“Angelo.” Bulong ni Camille sabay hawak sa palad ng binata, “Calm down.”

Napabuntong hininga si Angelo, “Fine. Siguro lalabas na muna ako.” Saka unti-unting hinawi ng binata ang kamay ng dalaga.

“Pero Babe, general rehearsal na ito. Please.”

“I’ll be fine. I’ll go first and get some air.” Bulong ni Angelo at tuluyang lumabas.  Hindi naman nag-atubiling sumunod si Camille.

“Angelo, wait.” Hinila niya ang kamay ni Angelo, “Sorry, Babe. Nagseselos ka ba?”

Humarap si Angelo sa dalaga, “Ano ba sa tingin mo, Camille? Ako ang kasama mo pero iba ang nasa isip mo? And worst, ang nasa isip mo ay ‘yung ex-boyfriend mo? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?”

“Pero, Angelo, nagkakamali ka. Hindi ko kasi...”

“Noong araw na nagkita kayo ni Mike, why you didn’t tell me about that? Why did you try to hide it from me? It’s been a couple of days ago, Camille, pero kung hindi ko pa itinanong, hindi mo sasabihin?” Muling sambit ni Angelo.

“Ayaw ko kasing masaktan at magalit ka, Angelo.” Sagot naman ng dalaga.

“Masaktan? Bakit ako masasaktan? Umamin ka nga sa akin, Camille, mahal mo pa ba si Mike?”

A Twisted Fate [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now