Ikalawang Kabanata

221 16 12
                                    

“MABUTI naman at gising ka na.” Ang turan ng babaeng biglang pumasok sa silid ni Camille. Iginalaw-galaw ni Camille ang kanyang ulo sapagkat may kaunting hilo pa siyang nararamdaman. Muling iginala ni Camille ang kanyang mga mata sa paligid at laking gulat niya ng makitang wala siya sa kanyang kwarto.

            “Sino ka? At nasaan ako?” Ang naitanong ni Camille sa dalaga habang ibinaba nito ang isang tray na may lamang mainit na gatas.

            “Ako nga pala si Shirley, I am Angelo’s sister. Dinala ka niya rito sa condo ko kagabi, inaapoy ka ng lagnat at nakita ka niyang muntik ng magpakamatay. Hindi kasi kumportable ang kapatid kong iyon na magdala ng babae sa condo niya kaya’t dito ka niya dinala.” Ang sagot naman ng dalaga habang nakangiti.

“Alam mo naman, mahirap na, baka kung anong sabihin ng iba. At saka hindi kumportable ‘yun, lalo’t kailangan kang bihisan dahil basing-basa ka sa ulan kagabi.”

Muling bumalik ang lahat ng bagay na nangyari noong gabing iyon sa isipan ni Camille. Saka lamang niya napagtanto ang mga katangahang pinaggagawa niya noong mga nakaraang araw ngunit hindi niya pa rin maalis ang kakaibang kurot sa puso niya kapag naaalala niya ang ginawa ni Mike sa kanya.

“Maraming salamat…” Sabi ni Camille.

“Wala ‘yun. Nakapagtataka nga noong nakita ko ang mukha ng kapatid ko kagabi, he’s really rushing, as if you’re a very precious thing for him. Nagkakilala na ba kayo dati?” Tanong naman ni Shirley at umupo sa kama.

“H-hindi pa naman. Kagabi ko lamang siya nakita sa tulay sa San Antonio.” Ang winika ni Camille.

“Ah… doon. Hindi ba’t pinigilan ka niya sa pagpapakamatay mo doon sa tulay na iyon?” Napayuko na lamang si Camille na tila nahiya sa sinabi ni Shirley.

Hindi kasi siya makapaniwalang binalak niya talagang gawin iyon. “Teka nga, bakit mo nga pala naisipang magpakamatay? Broken hearted ka?” Tumango na lamang si Camille bilang pagsang-ayon. “Alam mo, may mga bagay talagang may karampatang dahilan. Malay mo, bigla na lang dumating ang prince charming mo tapos panain ka bigla ni Kupido.”

Napangiti naman si Camille sa tinuran ni Shirley. Naisip niya rin na sa kabilang banda, medyo malayo ang ugali ng dalaga sa kanyang kapatid, lalo na sa paraan ng pananalita.

Bigla niyang naalala si Angelo, “Ahm… gusto ko sanang magpasalamat sa kapatid mo, Shirley, maaari ko bang malaman ang contact number niya?”

“Naku, Camille. Mahigpit niyang ipinagbawal na sabihin ko, lalo na sa’yo.” Sagot ni Shirley habang napakunot naman ng noo si Camille. Hindi na itinanong ni Camille kung bakit kasi malamang hindi niya magugustuhan ang mga susunod na sasabihin ng dalaga. “Inumin mo na lamang ang gatas na ito.”

“Salamat,” Sinuklian naman niya si Shirley ng isang ngiti, “Pakisabi na lamang sa kapatid mo, maraming salamat. Hayaan niya, kapag nagkita kami, babawi ako sa malaking utang na loob ko sa kanya.”

“Utang na loob?” Pagtatakang tanong ni Shirley habang naglalakad palabas ng silid.

“Kung hindi dahil sa kanya, malamang patay na ako ngayon ng hindi na-re-realize na mas marami akong magagawa kung humihinga pa ako. Nang dahil sa kanya, nakahanap na ako ng lugar kung saan ako magsisimula muli.” Ang paliwanag ni Camille.

Bago pa man lumabas ng silid si Shirley, nginitian siya nito at sinabing, “Huwag kang mag-alala, alam kong magkikita pa kayo ulit ni Angelo.”  

Bigla namang naalala ni Camille ang kanyang mga magulang at kaagad binuksan ang kanyang cellphone, “32 Messages, 17 Missed Calls,”ang tumambad sa kanyang harapan. Kaagad niyang inayos ang sarili at nagpaalam kay Shirley.

A Twisted Fate [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now