Chapter 24 Getting Back Together

2.1K 50 8
                                    

Chapter 24

        "Miss" lumingon ako.

          "Vincent...." Lucille takbo..tumakbo ka na habang maaga pa. mapanganib na ito. Yan ang pumapasok sa isip ko ng makita ko ang mukha ng taong minamahal ko simula nong umalis ako ng pilipinas dalawang buwan na. Hindi pa rin ito nagbabago. Ito pa rin yung gwapo at matangkad na mahal ko.

Bigla nalang akong niyakap ng mahigpit ni Vincent. "Vince...Vince hindi ako makahinga." binitawan ako tsaka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nakita ko na may luha sa kanyang mga mata. Bigla akong na guilty ng makita kung punong puno siya ng pag asang makita akong muli. At nabigyan ng pag asa ang puso kung muling buksan ito sa kanya. Alam kung dalawang buwan ay hindi sapat para magpatawad sa isang tulad niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at umakyat kaming muli kung saan nilagay ko ang padlock kanina.

"Ako ba ang tinutukoy mo dito?" tanong nito. Gusto kung magsinungaling nalang pero alam ng puso ko at sinasabing its about time.

"Oo... Dahil...Dahil mahal pa rin kita. Dahil..." hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko ng halikan na niya ako sa labi. Isang sweet and gentle kiss ang binigay ni Vincent sa akin.

"i miss you lucille." yakap yakap pa rin kaming dalawa at pinagmamasdan ang padlock na nilagay nito.

"Namiss rin kita. alam mo bang winiwish ko na sana nandito ka nalang at sinusundo mo na ako." ngumiti ito at niyakap ako patalikod.

"Paano kung sabihin ko sayo sinusundo na kita at gusto na kitang ibalik sa pinas para sa pangarap nating naudlot. Pangarap na sana ay matagal na nating nakamtan. Pangarap na natupad."

"Gustong gusto ko Vincent. Pero pwede mo ba akong bigyan ng dalawang linggo pa. Promise uuwi na talaga ako. Hinihinta lang namn kita eh." sabi ko sa kanya.

"Wait nasa Market ka ba kanina?" tanong nito. Nagulat ako kasi bakit alam nya yun

"Oo kumain ako doon kanina, nakakatuwa nga yung mga nagtitinda doon, kala nila matakaw ako hindi namn Gutom lang talaga ako." sabi ko sa kanya. "bakit galing ka ba doon?"

"Galing kaya kami doon."

"Kami?"

"oo kami ni Lee, nandito kaming dalawa. nagbabakasyon kami galing kami states tapos diretso pinas na kami. May race kasi itong si Lee next month at gusto niyang nandoon ako para sa race niya. Kilala namn natin si tito albert diba. ayaw na ayaw niya sa mga ginagawa ni Lee.."

Nagpunta kami sa Coffeshop na malapit para makapagusap kaming dalawa ng mas mabuti. Pero biglang dumating si Lee.

"Wow...i mean what happen?" gulat na tanogn nito sa amin at palipat lipat niya kaming tinitignan.

"Nahanap ko siya. Mabuti nalang mabilis akong tumakbo at nakita ko siyang pababa ng hagdan. At tsaka nakita ko ang padlock niya sa labas."

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)Where stories live. Discover now