Chapter 21 Getting To know Parents Part 2

2.1K 47 5
                                    

Lucille

Nagising ako kinabuksan na tumatama ang init sa aking mata. Paggising ko may nakita akong isang Sulat sa ibabaw ng Mesa.

Galing Ito Kay Vincent. "Mahal pagising mo bumaba ka nalang may pupuntahan Lang kasi akong importante, kasama mo si mama okay. Babalik din ako. I love you"

Tinago ko ang Sulat galing na Kay Vincent.

Pag baba ko nakita ko ang mommy ni Vincent na abala sa mga orchids nito. Katulad din siya ng mommy ko na mahilig sa mga halaman.

Lumapit ako at Binati ng magandang umaga.

"Oh hija gising ka na pala? Gusto mo bang mag almusal na, magpapahanda ako Kay Manang anong gusto mo?"

"Naku Hindi na po, mamaya na po Siguro ako kakain Medyo di pa namn po ako nagugutom."

"Umalis kasi ang mag ama, may pinuntahan Lang."

"Nasabi nga po ni Vincent sa iniwang Sulat nya. Mahilig rin po pala kayo ng mga halaman, katulad Nyo po ang mommy ko. Mahilig din sa mga halaman na ganyan."

"Talaga! mukhang magkakasundo nga kami." Ngumiti ako at sabay Kuha ng pandilig pero nagulat ako ng napasigaw Ang ginang at sinabing. "Wag ka ng makialam sa halaman, ako Lang ang pweding humawak sa kanila." 

"Sorry po.." Pagkatapos non ay umakyat akong muli sa inokupa Kung kwarto. Tinatawagan ko si Vincent pero Hindi Ito sumasagot sa tawag ko, ng biglang may Kumatok sa pinto.

"Hija kakain na ng tanghalian, bumaba ka na, parating na daw sila Vincent at ang daddy Nya." Nong maramdaman Kung wala na ang mommy ni Vincent ay lumabas na ako. Hanggang sa madaanan ko ang kwartong nakabukas, Bigla akong na curious Kung anong laman ng kwartong iyon, kaya binuksan ko at tinignan ko Ito.

Pumasok ako sa loob ng kwarto at tinignan ang picture na nakasabit sa ding-ding ng kwarto Nya.

Napakaganda Talaga ni ate kianne, Kung Hindi Sana Ito namatay sigurado akong masayang masaya sila ng Kuya ko.

Nakita ko Kung gaano ka simple ng kwarto pero yung feeling ibang iba.

Hindi ko namalayan na napaluha nalang ako ng makita ko ang ngiti ni ate kianne kasama si Vincent at ng magulang nito. Masakit ang nangyari para sa kanila lalo an Siguro sa mommy ni ate kianne kaya Siguro Medyo ilang siya sa akin. "Sana mapatawad ako ng mommy mo ate kianne,"

"Sabi ni mommy Nandito ka pa daw sa taas?" Gulat akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. Paglingon ko nakita ko si Vincent na nakatayo at nakasandal sa hamba ng pinto.

"I'm so sorry nakita ko kasing nakabukas ang pinto ng kwarto ng ate mo. Tinignan ko Lang."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Tama na yang pag isip mo. Halika na kumain na tayo Baka naghihintay na ang parents mo sa bahay Nyo."

Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako ni Vincent, Sabi Nya sa Manila nalang daw Kami makikita. Nagulat ako anong sabihin nyong wag ko Muna daw siya ng tatawagan hanggang sa susunod na araw. I don't know what is happening between me and Vincent. Mula kasi sa pag uusap kagabi sa dinner ng magulang Nya ay biglang nag iba ang aura ni Vincent sa akin. Dahil ba sa nalaman nyang kapatid ako ni Franco. 'Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam naguguluhan ako. 

Vincent

Hindi ko na alam ang gagawin ko, tama nga Siguro si daddy na nahuhulog na nga ako Kay Lucille, Hindi mahirap mahalin si Lucille, pero nahihirapan ako between my parents at Lucille. Gusto ko ng sabihin sa Kanya ang lahat, lalo nong sinabi niya sa akin na siya ang kapatid ni Franco. Walang problema sa akin doon Dahil alam Kung wala Talaga siyang kasalanan. Pero Hindi ko masasabi yun sa daddy ko Dahil galit na galit siya dito.

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)Where stories live. Discover now