Chapter 10 Date?

4.6K 72 14
                                    

Chapter 10

Lucille's POV

Nagpunta kami sa chinatown, may tinatawag silang night market dito. Maraming mga iba't ibang pagkain. Di ko pa ito nararanasan kasi walang ganito sa cebu, pero kung mayroon man di ko alam kung saan at hindi anmn ako pinapayagan ng dad ko na lumabas.

"Nakapunta ka na ba sa ganitong lugar?" Tanong ni vincent sa akin. Habang naglalakad kami sa maraming tao. Bigla nya hinawi ang bewang ko palapit sa kanya.

"Be careful maraming mga tao dito kailangan mong dumikit sa akin baka matangay ka." Biglang dumagundong ang puso ko sa ginawa nya.

"Salamat."

"Halika tikman mo itong siomai nila dito masarap"

"Paano mo alam na masarap ang pagkain dito tsaka bakit parang sana'y na sanay ka?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit akala mo ba kahit mayaman kami di kami pweding tumikim ng mga ganitong uri ng pagkain?"

"Hindi namn sa ganon, pero nagtataka lang ako will curious kungbaga"

"Dito ako lumaki, nakikita mo ba ang malaking bahay doon, yung nasa dulo ng bahagi ng daan na yun, iyon ang dating bahay namin, bata palang ako nandito na ang mga market dito."

"Ahh kaya pala, sige matikman nga itong pinagmamalaki mo." Sabi ko sabay kuha ng siomai na bigay ng babae. Nang isusubo ko na dapat ay nagsalita si vincent.

"Careful mainit" sabi nito pero nasubo ko na pero niluwa ko agad kasi napaso na ang dila ko.

"Sabi ko namn kasi sayo mag ingat ka, masakit ba, hero ang tubig uminom ka muna" sabi nya at uminom naman ako.

Vincent's POV

Dinala ko si lucille sa paborito kung lugar ang chinatown. Dito ako lumaki pero nang makaahon ang business ni daddy ay umalis kami at lumipat sa isang subdivision.

Natawa pa ako ng isubo agad ni lucille ang mainit na siomai ay napaso ito. She looks really cute.

"Halika may ipapatikim pa ako sayo" sabi ko tsaka ko hinawakan ang kamay nya. Napakalambot ng kamay nya na para bang ayaw ko ng bitawan ito.

Kumain kami ng kumain hanggang hindi na namin namamalayan ang oras. Naupo kami sa isang bakanting upuan at nagkwentuhan.

"Matanong ko lang bakit nga ba ayaw mong sabihin ang address mo kanina?" Tanong ko.

"Ahh yun ba, ayaw ko kasing malaman ng parent ko kung nasaan ako."

"Bakit namn, don't tell me naglayas ka sa bahay nyo?"

"Hindi namn sa naglayas, ayaw ko lang kasi yung may nag cocontrol sa buhay ko, oo mga magulang ko sila at kailangan ko silang sundi, pero sumubra sila, lahat ng gusto kung gawin kailangan masunod paano nmn ang pangarap ko."

"Naiintindihan kita, parehas lang tayo, kaya lang ako sa sitwasyon ko mahirap ang humindi dahil una ako nalang ang inaasahan ng magulang ko. Nagretired na ang daddy ko sa business kaya nakaasa nalang sila sa akin."

"Buti nga ikaw you loved what your doing, atleast accomplish mo na ang gusto mo, ako siguro 3 to 4 years pa."

"Ano ba kasi ang balak mong gawin or kunin?"

"Gusto kung maging chef. Pero sa isang pangyayari sa eroplano nong papunta ako ng states, nagkaroon ng problema, na nagbigay sa akin ng idea na kumukuha ng stewardess."

"Ano namn yun?"

"Isang pangyayari na may isang passenger na buntis at talagang sa eroplano ito nag labor at nanganak, doon ako naging saludo sa mga staff ng eroplano. Kaya pangarap ko rin mag bigay ng serbisyo sa mga kababayan natin."

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon