Chapter 4 Be my Secretary

4.9K 79 14
                                    

Chapter 4

Lucille's POV

        Nakatanggap ako ng tawag sa isang mall kung saan ako nag apply nong isang araw, di ko iniexpect na tatawag sila agad sa akin, eh wala pa namn akong experience sa pagtratrabaho, pero okay na rin yun at least may nakakita ng potential ko. Sana lang talaga matanggap na ako dito dahil sa dinami dami ng inapplyan ko ito lang ang tumawag sa akin.

Bukas na ang interview ko sana maging successful para naman makapag ipon na ako ng pang tuition ko sa susunod na sem.

Patulog na sana ako ng may kumatok sa pinto, nang buksan ko ito ay si aling lora lang pala.

"Magandang gabi po aling lora"

"Magandang gabi naman hija, ito nga pala oh nagluto ako ng kare kare eh naisip kita nakita ko kasi na puro noodles ang mga kinakain mo kaya nagluto ako ng subra para sayo. Tsaka nabalitaan ko kay baklitang pamangkin ko na tumawag na daw ang isang napag applyan mo."

"Naku nag abala pa po kayo, talagang yung si jonard oh walang maililihim" sabi ko tsaka ko tinanggap ang kare-kare na niluto ng matanda.

Hindi ko man sabihin pero favorite ko talaga ang kare-kare, namiss ko tuloy ang luto ng mommy ko, dahil ito ang laging niluluto nya pag kaming dalawa ang magkasama sa kusina.

"Bukas mo na isuli yung mangkok matulog ka na dahil baka malate ka pa sa interview mo bukas, galingan mo ahh" sabi ng matanda sa akin. Ewan ko ba pero ang bait bait sa akin ni aling lorna.

"Maraming salamat po aling lorna" sabi sabay yakap sa matanda, namiss ko talaga ang yakap ng isang ina.

"Naku ikaw talagang bata ka, sige matulog ka na, basta wag mong kalilimutan na i treat ako pag nakapasok ka na sa work ahh" biro pa ng matanda sa akin, sabay pa kami natawa.

"Wag po kayong mag alala, kayo po ang una kung babalitaan pag ako ay natanggap."

"Wag mong kalimutan mag dasal para marinig ng diyos ang panalangin mo"

"Opo"

Pagkaalis ng matanda ay tinignan ko ang pic frame na dala ko na nakalagay sa mesa ng sala ko.

"Kamusta na kaya sila sa cebu," sambit ko.

Mula kasi nong dumating ako dito sa maynila ay hindi pa tumatawag ang yaya ko. Sa kanya ko lang kasi binigay ang number ko. Kasi pag binigay ko sa mommy ko ipapa trace lang ng daddy ang number ko at mahahanap na nya ako. Or nagpapaimbestiga na rin ito sa paghahanap sa akin.

Maaga akong nagising 5:30 palang ay gising na ako dahil sa surbrang pagka excited ko sa interview. Masaya na kabago at the same time ang nararamdaman ko ngayun.

Pagkatapos kung maligo at nagbreakfast ay dumaan muna ako sa bahay ni aling lorna para magpaalam na aalis na ako.

Binigyan nya ako ng rosaryo para gabayan daw ako sa interview ko.

Nagpapasalamat ako dahil nakahanap ako ng matitirahan na mababait at mapagbigay.

Interview

Maaga palang ay nakarating na ako dito sa opisina kung saan ako maiinterview.

9:30am ang interview pero 9 na wala pa akong mga kasama.  Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na matangkad.

"Ms. Hernandez?" Sambit nito

"Yes sir" tumayo ako at nakipagkamay sa lalaki.

"Ako nga pala si bernard lucas ang head secretary ng dito"

"Magandang umaga po"

"So sa nakikita ko dito sa bio-data mo wala ka pang experience sa mag secretary." Sambit nito pero nakakagulat ay ang pagbanggit nya na secretary. So it means secretary pala ang naapplyan ko.

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon