Chapter 3 Charming Attack

4.8K 62 10
                                    

 Lucille POV

               “ Grabe talaga yung lalaking yun, binabawi ko na talaga na gwapo siya. Ano na kaya ang gagawin ko nito eh magpapasa pa ako ng resume ko” sabi ko habang pumapasok ako sa mall habang tinatakpan ko ng envelope na hawak ko ang natalsikan na part ng damit ko.

   “Goodmorning ma’am” bati sa akin ng sales lady. Pumasok kasi ako sa isang store na ang gaganda ng mga damit. Nakakainlove bang bumili.  “Ano pong gusto nyo ma’am, mga bagong dating po ito ngayun, bagay na bagay po sa inyo.”

“talaga?”

“opo ma’am bagay na bagay.. gusto nyo po bang isukat?” sabi ng babae, ako naman eh sinukat ko naman siya. Paglabas ko ay nagtingin pa ako ng iba at sinukat ang mga ito.

“wow ma’am bagay na bagay po talaga sa skin ninyo ang mga damit na sinukat ninyo,”

“Salamat, sandali may isa pa akong isusukat.” Sabi ko at pumasok ako sa loob

Vincent POV

      Grabe ang naramdaman ng paa ko kanina nong tapakan nong babaeng iyon ang paa ko. Hirap tuloy maglakad.

Pagdating ko sa Opisina ay nakatingin silang lahat sa akin. Pero hndi ko sila pinansin, bagkus ay nakita ko si tito albert.

“Tito” kaway ko sa kanya.

“Vincent…Welcome back.. kamusta ang states and what happen to you? Bakit ganyan ka maglakad” tanong nya sa akin

“okay lang namn tito and about this..mahabang kwento..”

“okay since nandito ka na rin lang, may ipapagawa ako sayo.”

“agad agad tito, di ba pweding mag coffee muna.” Sabi kung ganon.. tapos biglang may sumulpot sa likod ko at may hawak itong coffee.

“there you go, coffee is served” biro ng tito ko.

Iniwan ako ni tito albert sa kanyang assistant na si Bernard. Pupunta kami ngayun sa loob ng mall para mag ikot at tignan kung ano ang nangyayari. Habang nalalakad kami ay tinuturo nya sa akin ang mga building kung saan kapapatayo lang, may mga ibang branch na kabubukas lang at may mga ibang under renovation. Pero may isang store na humagip ng mata ko.  Napatingin ako at nakita ko ang  isang familiar  babae. Tinignan ko ang mga kasama ko.

“Sige na mauna na kayo susunod nalang ako may titignan lang ako dito” sabi ko sa mga kasama ko.

“okay po sir.” Habang naglalakad ako papasok sa store na yun ay hindi ako nagpahalata, bagkus ay nagtingin tingin din ako sa loob ng mga damit.

“sandali lang miss isusukat ko lang itong damit na ito” narinig kung sabi nya. PAglabas nya ay nagulat ako sa nakita ko, isang mala dyosa ang ganda.

“Naku ma’am subrang ganda at bagay na bagay po. Kung bibilhin nyo po ito may discount na po kayo.” Sabi ng sales lady. Tinignan ko ang babae na parang dismayado ng Makita nya ang presyo ng damit. Tumingin siyang mulit sa wallet nya.

“Miss pwede ko ba itong ipa reserved, babalikan ko rin siya.” Ana ng babae.

“Naku ma’am hindi po pwede ehh, baka mapagalitan naman po kami.”

“okay sige babalik nalang siguro ako, baka may iba pang mas maganda.” Pumasok siyang muli sa loob at nagbihis, tsaka lumabas ng store.

Dumaan siya sa harap ko.  Pero hindi ako nagpahalata. Pagkalabas na pagkalabas nya ay kinausap  ko yung sales lady.

Pinabalot ko sa kanya ang damit at tsaka ko kinuha.

Bumalik ako sa opisina na may ngiti sa aking mukha, ewan ko ba kung bakit ganon nalang ang epekto ng ngiti ng babaeng yun.

“HELLO kuya” natauhan ako ng sigawan ako ni lee ang pinsan ko..

“Oh paano ka nakapasok dito.”

“Sympre binuksan ko yung pinto at pumasok ako, paano pa nga ba?” sabi.

“Aba namimisolopo ka na ahh!” sabi kung ganon, tsaka bigla siyang natameme ng makita nya ang paper bag at hawak na nya ito.

“wow kuya ang ganda nito ahh, regalo mo ba ito sa akin, thank you” bigla kung inagaw sa kanya ito.

“Hindi para sa iyo ito. May pagbibigyan ako nyan”

Dali dali itong naupo sa sofa at naghalukikip doon. Na para bang nagtatampo dahil parang naagawan ng laruan ang bata.

“Kanino mo naman iyan ibibigay eh mukhang size ko yan ehh.” Pinanindigan pa rin nya ito.

“ah basta ibibili nalang kita ng iba basta wag mo lang kukunin ito”

“ang weird mo kuya? Sino ba kasi yang maswerting babae at panay ang tingin mo sa relo mo.” Sabi ni Lee sa akin habang nagbabasa siya ng magasin.

“basta….at bakit ka nga pala nandito?” tanong ko sa kanya.

“Ah pinapasabi ni tito ramon na kung hindi ka daw busy eh dalawin mo naman daw sila sa Cebu.”

Tumayo ako at naglakad papunta sa may bintana.

“Ano na naman kaya ang gusto nila, hindi ba sila napapagod sa ginagawa nilang pag set up sa iba’t ibang mga babae.”

“Eh kasi namn cuz kung pumayag ka na kasi sa gusto nila di sana tapos na ang problema mo. Tignan mo ako, napakiusapan ko ang lalaking na set up sa akin na pag nasa harap kami ng parents ko ay mag act kaming okay.”

“Madali sayong sabihin yan, eh ako…mula America hanggang dito sa pilipinas ginagawa pa rin nila, kaya nga kung minsan ayaw kung pumunta sa place na naroon sila dahil alam kung mayroon at mayroon silang irereto sa akin.”

Tumayo si Lee at lumapit sa akin.

“Alam mo cuz, bakit di ka kaya magdala ng girl na sabihin mong girlfriend mo sa harap ng parents mo para matapos na ang problema mo. Para matigil na rin sila tita at tito sa kakaset up sa kung sino sinong mga babae” sabi nito habang pinapakialaman nya ang mga gamit ko sa table..

“Paano ko naman gagawin iyon kung wala nga akong magustuhan.”

“Eh kung iyong babaeng pagbibigayn mo nito, bakit hindi siya” napatingin ako sa kanyang sinabi. Iyong babaeng iyon? Nahihibang na ba siya, ni hindi nga maganda ang pagkikita nila.

“ Hindi pwede..ako na ang bahala sa problema kung ito lee.”

“ikaw ang bahala, basta ako mas ma gandang gawin mo iyon kesa naman sa lagi kang siniset up nila tita.”

Tumayo na si Lee at lalabas na sana sa pinto ng biglang lumingon sa akin.

“basta Cuz pag isipan mo yan, ikaw rin..” at tuluyan na siyang lumabas ng opisina ko. Dumating namn ang assistant ng tito ko.

“Sir ito na po ang mga list at mga Bio-data ng mga nag apply na maging Secretary ninyo”  sabi ni Bernard habang nilalapag nya ang mga bio-data ng mga nagapply.

“Sige na Bernard tatawagin nalang kita pag may napili na ako.” Sabi ko habang tinitignan ko ang mga pangalan.

“Sige po sir maiwan ko na po muna kayo.” Sabi at muling mapag-isa na siya ulit sa kwarto.

Habang tinitignan ko ang nasa harap ko ay nahagip ng mata ko ang isang picture. Tinignan ko pang mabuti baka namamalikmata lang kasi ako.

“Hindi pweding kamukha lang ito nong babaeng lagi kung nakikita, Lucille Fay Hernandez pala ang pangalan nya, what a nice name for a beautiful girl.” Sambit kung ganon, pinindot ko ang intercom at pinatawag ko si Bernard.

Binigay ko sa kanya ang list na gusto kung interview bukas. Kasama na roon si Lucille Fay Hernandez.

Magkikita tayong muli Lucille… tsaka ako ngumiti…

ANo kayang mangyayari sa Interview na gagawin ni Vincent. Ano kaya ang binabalak gawin ni Vincent kay Lucille. Alamin sa Susunod na Chapter.

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon