Chapter 23 Locks of LOVE

2.6K 59 20
                                    

                  Mahigit Dalawang buwan na simula nong umalis ako ng pilipinas. Wala na akong naging balita pa kay vincent. ang nasabi nalang sa akin ni Jonard nagpunta na daw ng America dahil nag away sila ng daddy niya. Si Daddy naman ay napakiusapan kung Dumito muna sa korea. Mabuti nalang nandito yung dating yaya ko sa Cebu. Siya ngayun ang tumutulong sa akin at sumasama sa pag aalaga ng mga matatandang koreano sa Care home dito.

             Pero sa dalawang buwan na narito ako sa korea walang araw na hindi ko inisip si Vincent, Walang araw na iniisip ko sana sunduin na lang niya ako dito sa korea. Pero sa isip ko mas makakabuti kung bibigyan pa namin ng time ang sarili naming makapagisip isip at sa siguro sa tamang panahon makakayanan na naming Mahalin ang isa't isa.

          Nawala ang pagmumuni muni ko ng pumasok ang si yaya nina. "Hija ikaw na bahala dito sa apartment natin. Kung gusto mo maglibot libot ka nalang muna sa ulit dito sa seoul. hindi kasi kita pweding isama sa Busan ngayun eh. Darating kasi yung boss ko."

"Naku okay lang po yaya nina, ako na po ang bahala sa sarili ko. Diba nga tinuruan niyo na ako. ilang araw po ba kayong mawawala?" tanong ko. "Mga tatlo o apat na araw lang namn, nakapag grocery na ako at yung susi nasa ibaba ng mesa sa sala. Pag gusto mo ng kimchi kumuha ka lang sa pantry." tumayo ako at hinawakan ang magkabilang balikat ng yaya nina ko. "yaya, hindi po ako bata, kaya ko na ang sarili ko, kayo dapat itong maingat eh, sana kasi yung mga anak niyo na ang pinapupunta niyo dito. kesa anmn kayo nahihirapan. Kung pwede ko lang akuin yang trabaho gagawin ko."

"Ikaw talagang bata ka. Nandito ka lang para magbakasyon, kasi niya..." hindi niya ito tinuloy. "Kasi nga po Wasak ang puso ko." tinuloy ko ang sinabi niya at humagalpak siya sa tawa. Kasi mula nong dumating ako dito hindi niya ako mabibiro ng ganito. kasi fresh pa nga.

"Oh siya sige na aalis na ako. Basta yung bilin ko sayo huh. Wag na wag mong iiwan itong nakabukas lang. kilala kitang bata ka."

"opo.. annyeonghi gaseyo (Goodbye)" paalam ko sa matanda.

Pagkaalis niya ay binuksan ko ang laptop ko at tinignan kung saan ako magisismulang mamasyal. Simula kasi nong dumating ako wala akong inatupag kundi mag mokmok dito sa apartment ni yaya nina. Ngayun palang ako nagkakaroon ng chance to explore Korea.

Vincent's POV

              "Naku pare ikaw nalang ang hinihintay namin sa reunion natin. Hindi ka ba talaga sisipot?" sabi ng kausap ko sa phone. "pasensiya na pare, naisipan kasi ni  Lee na magbakasyon kami dito sa korea, alam mo namang itong pinsan ko laki sa luho."

"Bakit hindi mo pa kasi payagang mag boyfriend yang pinsan mo ng hindi namn ikaw ang napeperwisyo. Tignan mo ni hindi mo alam kung nasaan ang si lucille ngayun mag dadalawang buwan na." napaisip ako oo nga magdadalawang buwan na simula nong umalis si lucille pero walang makapagsabi sa akin kung nasaan ito. Pati si jonard piniga ko na lahat lahat pero wala itong masabi sa akin. Pinuntahan ko ang bahay nila sa cebu pero wala din makapagsabi sa akin.

"Hindi ganon kasimple ang naging kasalanan ko sa kanya. Marahil hindi niya ito natanggap dahil sa naglihim nga ako."

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)Where stories live. Discover now