His Wife (35) Still Emerald

21.5K 208 20
                                    

“ Nandito na po tayo, Sir JC” napakurap ako ng ilang beses. Napatingin ako sa paligid ko and I noticed that it’s already 4 o’clock in the afternoon. Inilibot ko yung paningin ko and I found my driver, smiling from ear to ear. I took a glance sa katabi ko at natagpuan ko si Dreame… in my arms.

“ Bagay na bagay po kayo ni Ma’am Dreame, Sir JC” At tsaka ko pa lang naalis yung tingin k okay Dreame nung magsalita ulit yung driver ko. I easily compose myself at ibinalik ko na ulit yung seryosong itsura. Mukha naman siyang natakot.

“ That’s not part of your business kaya sige, umalis ka na muna, at gigisingin ko lang si Dreame” I said. Within a span of seconds, nakaalis na agad yung driver ko. Napatingin ako kay Dreame nung umungot siya. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan… and it somehow…. makes me smile. Iniling ko yung ulo ko sa mga naiisip ko.. No… Hindi pwede… My life is too complicated para isama ko pa siya.

Nakatabing yung ilang piraso niya ng buhok sa mukha niya. Nagulat na lang ako ng mas kumapit pa siya sa akin. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit ganito yung pakiramdam ko? Kinakabahan ako para sa itinatakbo ng isip ko. I shook my head at walang ano- anong itinulak ko siya dahilan para mauntog siya sa pintuan.

“ Awwwww! Bakit ba?” iiling iling siya habang nakalabi sa akin. Hinihimas pa niya yung ulo niya.

“ Kanina pa tayo nandito, so we should start inspecting the site. Dapat may dala ka ng damit ‘coz we’ll be staying here for almost 3 days” dire-diretsong sabi ko  sa kanya at bumaba na agad ako ng kotse. Napahawak ako sa dibdib koI don’t like her, I don’t love her… I’m just infatuated to her.

“ What? 3 days? Eh di ba po sa isang araw yung anniversary ng isang major client natin?” sabi niya. Right! At tsaka saan ko ba nakuha yung 3 days na yun? Ayaw ko nga siyang makasama diba? JC! Ano na ba ang nangyayari sayo?

“ Yieee, gusto mo lang akong makasama ng matagal eh, noh? Kinikilig ako!” sabi niya ng ngingisi- ngisi sa akin while wiggling her eyebrows. Napatalikod na lang ako at wala sa sariling naglakad papunta sa kung saan.

“ Ow my goshibells! JC!” napalingon ako kay Dreame ng tumili siya. She is running towards me at may itinuturo siya sa akin. Naramdaman ko na lang na naitulak na niya ako at may kung anong napunta sa shirt ko. It’s brown and white paint. I looked at Dreame na ngayon ay naliligo na sa pintura.

“ Nako! Sorry po Ma’am, Sir! Sorry po! Sorry ho. Nabitawan kop o kasi yung kable eh” Takot. Iyon ang nakabalatay sa mukha nung construction worker. Napatigil ang lahat ng manggagawa, still hinihintay pa rin yung magiging reaction ni Dreame pero to the irony of it, nagthumbs up pa siya at ngumiti. Pero bakit ganun siya? Di ba dapat nagagalit siya? Paano niya nagagawang ngumiti?

“ Okay lang po Manong! Hindi niyo naman po sinasadya eh” nagsimula na siyang punasan yung pintura pero sobrang dami nun sa kanya kaya tumayo na ako at nagpagpag. Kung hindi naman niya ako naitulak eh di sana ako yung matatapunan di ba? Seeing her in that situation… parang gusto ko na lang manuntok.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon